Thursday , June 4 2026
Julia Barretto Gerald Anderson Ogie Diaz

Gerald inako kasalanan hiwalayan nila ni Julia

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

PINABULAANAN ni Gerald Anderson na si Vanie Gandler, volleyball player ng Cignal PH ang dahilan kaya naghiwalay sila ng apat na taon niyang girlfriend na si Julia Barretto.

Ang paglilinaw ay naganap sa Showbiz Update ni Ogie Diaz.

Ani Ogie, tumawag sa kanya ang aktor para bigyang linaw ang mga naglalabasang tsika na ang third party ang magaling na volleyball player.

Anang aktor, hindi pa sila nagkakakilala ng personal ni Vanie.

“Tumawag sa atin si Gerald Anderson para linawin ang tungkol sa kanila ni Julia Barretto.

“Una na riyan ay hindi si Vanie Gandler ang dahilan (ng hiwalayan), matagal na raw itong Vannie Gandler issue, pero ito ay walang katotohanan talaga.

“Hindi nga raw niya ito nakilala ng personal, nakakausap, nakaka-text o nakatawagan. 

“Nanonood lang daw siya ng laro ng volleyball pero hindi para tutukan si Vanie, ini-link lang siya rito.

“Sabi pa ni Gerald na iba ang dahilan ng hiwalayan at inako rin niya na siya ang may kasalanan ng break-up nila ni Julia. 

“At hindi na ito idinetalye pa kundi tumawag lang siya sa amin para sabihing walang kinalaman ang volleyball player,” giit pa ni Ogie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …