Thursday , June 4 2026
Richard Quan How To Get Away From My Toxic Family

Richard Quan, ratsada sa sunod-sunod na projects

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAPAPANOOD ngayon ang veteran actor na si Richard Quan sa dalawang magkasunod na pelikula.

Una ay sa “How To Get Away From My Toxic Family” ni Direk Lawrence Fajardo, starring Zanjoe Marudo, Susan Africa, Nonie Buencamino, at iba pa. Ang isa pa niyang pelikula ay ang “Lola Barang” ni Direk Joven Tan, tampok sina Gina Pareño, Ronnie Lazaro, Lizzie Aguinaldo, Marlo Mortel, Lou Veloso, at Mercedes Cabral.

Palabas pa rin ang How To Get Away…, samantala ang Lola Barang ay nagsimula nang mapanood sa mga sinehan last Aug. 6.

Si Richard ay bahagi rin ng pelikulang “Sinagtala” ni Direk Errol Ropero.

Inusisa namin ang versatile actor ukol sa dalawang pelikula.

Aniya, “Ang role ko sa Toxic… ako si Domingo de Dios Jr., complex ‘yung character ko dahil sa pinagdaanan mula sa pagka-teenager. Na hindi siya napalaki nang tama, kaya naging toxic siya sa kanyang younger brother na si Arsenio (Zanjoe Marudo), drug user at lasenggero na mayroong insecurities kay Arsenio.”

Dagdag ni Richard, “Iyong Toxic is family drama na siguradong maraming Pinoy ang makare-relate.

“Sa Lola Barang naman, ang role ko ay isang movie producer na kailangan ng character ni Ronnie Lazaro, na director ang role, para mag-produce ng movie niya. Horror ang tema ng Lola Barang.”

Ano ang reaction niya na lagi siyang in-demand, sa movies man o TV?

“I’m not really sure kung in-demand nga ako, hehehe,” nakangiting wika niya. 

“Pero I am grateful na after three decades, pinagkakatiwalaan pa rin ako ng industriya as an actor and most importantly, never ako na-type casted. Bale, iba-ibang characters ang ipinagkakatiwala nila sa akin, iyon ‘yung pinaka-exciting part para sa akin. Iyong chance to play and explore ‘yung different characters na ibinibigay sa akin.”

May upcoming movies or TV show ba siya?

“Hindi pa rin tapos ‘yung ginagawa ko with with Direk Hubert Tibi, initial title is “Julio”.

“Sa ngayon, inquiries pa lang, nagpahinga rin talaga kasi ako, medyo nakapapagod emotionally at mentally ‘yung mga characters na ginawa ko – nag-recharged ako.”

Para sa kanya saan mas okay mag-work, sa TV or movies?

“Both are okay, parehong may pros and cons, ang importante kahit TV o movies man iyan ay ‘yung mga katrabaho – from producer, director, writer, staff, crew, etc, etc… Iisa kayo dapat ng objective — ang pagandahin ang trabaho o produkto.

“Importante ang professionalism at dapat ay iniiwan ang yabang at ego sa bahay, dapat collaborative at mayroong malasakit sa project,” sambit ni Richard.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …