MA at PA
ni Rommel Placente
IBINAHAGI ni Aiko Melendez sa kanyang Facebook ang video clip ng pagsasayaw nila ni Quentin, anak ng kaibigan niyang si Candy Pangilinan at kanyang inaanak.
Super happy at komportable si Quentin kay Aiko at todo bigay din sa kanyang dance moves.
Sa huli ay nagyakap ang dalawa kasabay ng famous line ni Quentin na “Friends tayo.”
“An afternoon well spent with my inaanak, Quentin. Thank you, bes, Candy Pangilinan for sharing him with me,” pagbabahagi ni Aiko.
Talagang nag-enjoy ang actress-politician sa kanyang pakikipag-bonding sa inaanak.
“It was such a joy to laugh, play, and simply be in the moment with him. Quentin is such a smart, affectionate, and insightful boy.
“His presence has a way of making you pause and appreciate the little things in life. Love you my inaanak.” aniya pa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com