Thursday , June 4 2026
Kobe Paras Kyline Alcantara

Kobe may cryptic post, patama kay Kyline?

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MARAMI ang nag-react sa tila pasaring na post ni Kobe Paras using the title of the song by Canadian singer-rapper na si Tony Lanez, na Wish I Never Met You.

Sa pinagdaraanan (pinagdaanan na?) kasi nila Kyline Alcantara, marami ang naniniwalang patama na niya ‘yun sa aktres na balitang nakahiwalayan na niya.

Sari-saring isyu ang lumabas na kesyo may cheating, may gamitan ng sasakyan, may kampihan ng parents at iba pa, kaya’t nagmistula na itong hindi simpleng away ng mag-jowa.

Ang medyo nakalulungkot lang sa mga ganap na ganyan ay ang tila naiipit ngayong imahe ni Kyline dahil kung pagbabasehan ang isyu sa naging break up nila ni Mavy Legaspi, wala halos itong ipinagkaiba sa sinasabing break up niya with Kobe?

Si Kyline ang lumalabas na manipulative, scheming, o may problema lalo’t may mga parent especially the nanay ng guys na tila may pa-cryptic message rin na iniuugnay sa status ng  break up?

Sa mga naunang naglabasang mga socmed posts ng lambingan at lovey-dovey moments nina Kobe at Kyline, nahuhusgahang “clingy” nga kung hindi man nalalagay sa negatibong aspeto ang imahe ni Kyline.

Pero sa kada intriga sa kanya ng ganyan, lagi siyang may bagong project sa TV huh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …