Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
WASSUP Super Club Lito Alejandria Mia Pangyarihan

WASSUP Super Club bagong negosyo ni Lito Alejandria 

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI na bago para kay Lito “MamaLits” Alejandria ang bago niyang negosyo, ang WASSUP Super Club/Resto Bar and Lounge dahil sa 19 years niyang experience bilang isa sa owner ng Zirkoh at Klowns, gamay na niya ang pagpapatakbo ng ganitong klaseng negosyo.

Ayon nga kay Mama Lits sa ribbon cutting ng WASSUP Super Club/ Resto Bar and  Lounge last March 12, “Sanay na ako sa entertainment busines for 19 years, ngayon lang walang comedy, pero mayroon naman akong DJ.”

Dagdag pa nito, “It’s different entertainment right now depende sa market na iki- cater namin.

“Tapos na ako sa comedy bar, dito na ako ngayon sa mga lounge bar at chill bar.”

Kaya naman balik-puyatan na naman ito kapag nag-grand opening na ang kanilang negosyo.

“Back to puyatan na naman ako,  most likely hanggang ganon pa rin, 3:00 a.m. to 4:00 a.m. just like noong dating operations ng Zirkoh at saka klowns,” wika pa ni Mamalits.

At para makatiyak silang safe ang lahat ng pupunta sa bar, mayroon silang sinusunod na rules and regulations.

“Strict kami sa rules and regulations kung makikita niyo, surrounded by bouncers, security officers, CCTV’s lahat naman ‘yun, ayaw namin ng gulo, at saka dapat chill chill lang. 

“Iton bar mas bigger sa Zirkoh. Itong kabilang area for expansion namin same rin sa harapan. Baka umangat kami pataas, hopefully sana kapag naging successful kami right now, marami kaming plans promise,” sabi pa.

Kasama ni Mama Lits bilang owner ng WASSUP Super Club/ Resto Bar at Lounge sina Mia Pangyarihan ng dating Sex bomb, John Vic de Guzman, at Jayvee Sumagaysay.

Dumalo naman sa ribbon cutting ng bar sina Cecille Bravo (Vice President ng  Intelle Builders and Developmdnt Corporation ), Thom Dacayo (Chairman ng Barangay 397 Zone 41 District 4, Sampaloc Manila), at  Konsi Dianne. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …