Friday , March 14 2025
Andrew E Mylene Mila Yap Sumndad Datu

Queen of Boracay na si Mila Yap Sumndad, saludo sa manugang na si Andrew E.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MARAMI kaming nakuhang insights hinggil sa napakagandang isla ng Boracay dahil kay Ms. Mila Yap Sumndad, isang taal na taga-roon na kilala rin bilang Queen of Boracay.

Nagkuwento si Ms. Mila kung bakit nakilala sa ganitong bansag, “Dati kasi akong president ng United  Boracay Island Business Association, iyong isang officer ko, sinabihan niya akong Queen of Boracay. Sabi niya sa Vice President namin, iyon na ang titulo niya, siya ang Queen of Boracay. Hanggang ngayon, iyon ang tawag sa akin, hindi ako napalitan na Queen of Boracay,” nakangiting wika niya.

Pagpapatuloy ni Ms. Mila, “Dito po kami ipiunanganak, ang mother ko ay dito rin sa Boracay ipinanganak. Apat ang anak ko, 3 boys and 1 girl, third si Mylene. Ang panganay ay si Dennis, second ay si Benjo, ang bunso ay si Datu, siya ay member ng SB (Sangguniang Bayan).”

Ano ang unang business nila sa Boracay? “Noong una wala kaming business, tapos ay nag-umpisa iyong tourist noong 1976. Dumating noon si Freddie Elizalde at namili siya ng mga lupa sa Boracay. So, iyong mga tao nagbenta ng mga lupa.

“Noong 1978 nag-umpisa na mga rest house lang, gawa-gawa lang, sila-sila lang ang gumagawa. Iyong uncle ko sa Manila nagwo-work siya sa Board of Investments, nagpagawa kami ng parang rest house. So, ang mga unang bisita roon tumitira, kasi wala silang matitirhan e, pero wala pang kuryente noon. So, wala pang ilaw dito, lahat…”

Gaano kaganda ang Boracay noong early 70’s?

“Maganda, maganda talaga. Pero maganda pa rin ngayon, nandiyan pa rin ang kagandahan ng Boracay. Pero mas tahimik noon, kasi walang masyadong… hindi commercialized noon ang Boracay at ang mga bisita ay sa mga bahay-bahay lang nakatira. Kasi noon ay wala pang hotel, walang cottages.

“So, nagpagawa iyong uncle ko ng tatlong rooms na may toilet, first time na may toilet, may kutson, wala pang kutson noon, walang bentilador. Ewan ko, bakit hindi naman yata mainit noon.

“Wala pa rin noon kahit generator, ang gamit namin ay petromax at kinke na gasera, at iyong battery ng car.”

Wala pa raw airport noong panahong iyon. “Wala, barko from Kalibo, 3 hours to 5 hours ang biyahe. Kaya nang nag-open kami rito ng business, nag-open ako ng restaurant… Yap’s Resthouse and Mila’s Restaurant…

Mga 80’s na iyon, ipinanganalk ko na iyong youngest ko na si Datu, siya ang trourist baby ko.”

Aniya pa, “Nag-click iyong restaurant ko, iyong Mila’s Restaurant. Ako ang first time na nag-introduce rito ng buffet.

“Kasi sa Manila, friend ko si Alice Reyes, writer siya ng Daily Express. So, parang inengganyo niya ako sa mga restaurants, pagkain, and in-apply ko rito at nag-click iyong buffet. Tapos dumagsa naman ang guest. Kasi ang mga naunang bisita rito ay mga backpackers, P7 lang yata to 1 dollar ang palitan noon at iyong room ay P5 a day lang (ang bayad).

“So, noong nagpagawa kami ng restaurant, nagclick nga siya and every night ang daming tao, mga 30, 40 at kulang iyong ano ko. Kaya ang ginawa namin, everyday magpa-book na sila ng early para malaman namin kung ilan ang darating na customers.

“Ang ginagawa ko na lang iyong kangkong salad dinamihan ko, iyong isang baldeng vegetables… gustong-gusto na nila iyan, iyong mga tourists noon.”

Buhay pa ba ang kanilang Mila’s Restaurant? “Astoria na siya ngayon, pinapa-lease namin,” matipid na tugon niya.

Nabanggit din ni Mommy Mila kung paano na-promote o nagsimulang sumikat ang Boracay.

“Through word of mouth, kasi mayroong isang writer, a German writer na nagpunta rito at nakita niya na maganda ang Boracay. Nagtanong kung saan puwede tumira, roon siya sa amin tumira, hindi namin alam na writer siya.

“After one year yata, isinulat niya ang Boracay and after two years ay na-translate iyon sa English. Palagi nga ako napi-feature noon, iyong Mila’s Restaurant, iyong bahay namin. Kaya kapag may nagpupunta rito (sa Boracay), ako ang hinahanap, naging popular, hahaha.”

Inusisa namin kung ano ang kaibahan ng Boracay sa ibang beach.

Tugon niya, “There’s no comparison, galing iyan sa mga turista pa mismo noon. Kahit daw mga beach sa Hawaii, walang kapantay ang Boracay.”

Ano naman kaya ang masasabi niya sa manugang na si Andrew E, na kilala rin bilang King of Pinoy Rap?

Esplika ni Mommy Mila, “Mabait, mapagmahal sa family, iba siya. Mahal niya kaming pamilya ni Mylene at mahal na mahal niya ang mga anak niya.

“Nandoon kami noong first concert niya (sa New Frontier Theater), umiyak ako, kasi first time kong nakitang nag-perform ang mga bata (anak nina Andrew E at Ms. Mylene) nang sabay-sabay. Proud ako sa kanila.”

Anyway, ako at ang mga kasama sa TEAM (The Entertainment Arts & Media) ay nagpasyal sa Boracay last month at namalagi sa magarang The District Boracay. Kaya ipinapaabot po namin ang taos pusong pasasalamat sa mga staff nila, lalo na kay Mommy Mila at sa pamilya nina Ms. Mylene at Andrew.

About Nonie Nicasio

Check Also

Ruffa Gutierrez Anna Magkawas Luxe Skin Glowtion

Ruffa proud sa edad na 50

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AY naku, usapang ganda na lang tayo dahil pumirma si Ruffa Gutierrez ng …

Robin Padilla Rodrigo Duterte Bong Go Philip Salvador

Robin mapanindigan kayang samahan si Digong?;  Ipe emosyonal

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang nahahati ang showbiz world nang dahil sa mga …

Ivana Alawi

Ivana Alawi walang K tawaging Darling of the Press! 

MATABILni John Fontanilla PARANG mali naman yata na sabihin ng iba na darling of the …

Joel Cruz Coco Martin Dingdong Dantes

Coco at Dingdong target ni Joel Cruz na gumanap sa kanyang biopic

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA na ang tinaguriang The Lord of Scents na si Joel Cruz para isa-pelikula …

Michael Jackson Rodrigo Matos

Rodrigo Teaser kay Michael Jackson — He is bigger than life

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI rin niya alam, sa edad na lima, pumasok na sa …