Thursday , April 24 2025
Xia Vigor

Xia Vigor, may love team na sa Tiktok seryeng “He Loves Me, He Loves Me Not”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAKAPANAYAM namin thru FB ang young actress na si Xia Vigor at naibalita niya sa amin ang mga pinagkakaabalahan niya ngayon kabilang dito ang Tiktok serye na “He Loves Me, He Loves Me Not” na may loveteam na siya.

Kuwento niya, “Ito pong TikTok serye na He Loves Me, He Loves Me Not ang pinagkakaabalahan ko. Then after po nito ay I will start promoting my new single po na song called “Aminin” and hopefully po matuloy na ‘yung movie na naka-line up for me to do.”

Kasama ni Xia sa seryeng ito ang teenstars din ng Viva na sina Charles Law and Sofie Jewel. Nalaman din namin na sa seryeng ito’y niluluto na ang love team nina Xia at Charles.

Parang transitioning na raw ito ng dalagita from child star to mga teen shows at love team na rin.

Ang 15-year-old na dalagita ay nakapirma ng 10 year contract sa Viva. At ipinahayag niyang masaya siya sa pag-aalaga ng kanyang mother studio.

Esplika ng magandang bagets, “Sobra po akong masaya na kahit huminto ako sa showbiz noong nagkaroon po ng pandemic ay kinuha pa rin nila ako at sunod-sunod din naman po mga ginawa ko. After ng Itutumba Ka ng Tatay Ko with tito Janno Gibbs, I also did the movie called Sunny with tita Vina Morales and Nanay, Tatay, na its a horror movie po.”

Aniya pa, “I’m really happy po sa showbiz career ko dahil they always make sure sa Viva that I have project palagi, like this Tiktok serye na kami po ni Charles ang napili nila sa Viva’s first Tiktok serye.

“Now that people specially teen viewers, are now transitioning sa TikTok at hindi na masyadong nanonood sa TV. I think it’s a good move po for Viva na they also try to go with the flow and evolve kung ano ang latest trend or kung nasaan ang viewers nila, then they adjust to where our digital world is going. Kaya nga po nag-venture sila to do a TikTok serye na sa Tiktok na talaga ilagay instead of sa TV.”

Ano ang reaction niya sa changes sa kanyang career, like teen roles na ginagampanan niya, from being a child star?

“Medyo mahirap pa po sa akin ang adjustment from child star to teenstar and now parang nagpapakilig na dito sa TikTok series… Kasi feeling ko po bata pa ako, but I also know that I have to prepare myself for some changes and have to equip myself din to continue learning sa acting at singing.

“I’m currently trying my best po to be good sa music and now learning to be good playing guitar, piano, and mandolin,” masayang sambit pa niya.

Nabanggit din ng teen actress ang kanyang dream role.

“My dream role po is mga character na challenging my abilities sa acting, like maybe ‘yun pong parang Joker, pero female version po. Or someone with multiple personality disorder, where I can also try to act outside the norm na good girl lang palagi.

“I think if I push my boundaries, it will take me somewhere na makatutulong sa akin na ma-discover kung ano pa ang mga kakayahan ko na hindi ko pa po alam sa ngayon,” pakli pa ni Xia.

About Nonie Nicasio

Check Also

CinePoP Lover Boy Christian Albert Xian Gaza Joni McNab

Sa CinePOP walang nabibitin,  isang POP tuloy-tuloy ang sarap

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AYAW natinang eksenang gigil na gigil ka na, pero biglang …

Nora Aunor Bongbong Marcos Erap Estrada

PBBM, Erap dumating sa huling gabi ng lamay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ng napakaraming kaibigan, fans, pamilya, at kasamahan ang huling gabi …

Nora Aunor Pagpupugay Ng Bayan

Nora naihatid na sa huling hantungan, ginawaran ng Pagpupugay Ng Bayan  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PUNOMPUNO at dinaluhan ng mga kaibigan, fans, kapwa national artists, at …

Hiro Magalona Nora Aunor

Hiro Magalona nalungkot na ‘di nasampal ni Ate Guy

MATABILni John Fontanilla NALUNGKOT ang aktor na si Hiro Magalona sa pagpanaw ng  nag-iisang Superstar Nora Aunor. Isa …

Pilita Corrales Pope Francis Nora Aunor Hajji Alejandro

Panalangin sa walang hanggang kapayapaan kina Pope Francis, Nora, Hajji 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang kalungkutang nadarama sa showbiz. Una si Pilita Coralles na hindi pa …