MATABIL
ni John Fontanilla
NOSTALGIC para sa actress/host na si Connie Angeles ang pagkikitang muli ng mga dating Pen Pen De Sarapen kids na sina Assunta Da Rossi, Fredmoore Delos Santos kasama ang yours trully na dating choreographer ng longest running at award winning children show.
Almost 30 years ng hindi nakikita ni Ms. Connie sina Assunta at Fredmoore kaya naman sobrang saya nito sa kanilang mini-reunion na naganap sa Family Feud nang maglaro ang Pen Pen De Sarapen cast.
Tsika nga ni Tita Connie, “I’m so happy to see you again (Assunta, John and Freedmoore), last ko kayong nakita child stars pa kayo.
“’Di ko akalain na susunod kong makikita si Assunta may apo na ako sa kanya.”
Dagdag pa nito, “Hindi rin natin akalain na ‘yung magaling nating choreographer ay isa ng magaling na magaling na writer.”
At kahit sina Assunta at Freedmoore at ang inyong lingkod ay sobra-sobra ang saya na makita ulit si Tita Connie na habang nagkaka-edad ay mas lalong gumaganda.
Balak nga ni Tita Connie na magkaroon ng reunion ang mga batang naging part ng Pen Pen De Sarapenat ilan dito sina Sunshine Dizon, Symon Soler, Caselyn Francisco, Tina Cruz, Alessandra Da Rossi, Assunta De Rossi, Fredmoore Delos Santos, Edgar Allan Guzman, Maybelyn Dela Cruz atbp..