Monday , May 5 2025
Milo Gatherings of Champions
IPINAGMAMALAKI ng mga executive ng MILO® Philippines na sina Veronica Cruz (ika-5 mula sa kaliwa) at Carlo Sampan (pinakakaliwa) ang pagpresenta ng tropeo ng pagkilala sa Philippine Sports Commission, na kinakatawan nina Chairman Richard Bachmann (ika-3 mula sa kaliwa), Commissioner Matthew Gaston (ika-2 mula sa kaliwa), at Commissioner Bong Coo (sa gitna). Ang gantimpala ay ibinahagi rin sa Philippine Olympic Committee, na kinakatawanan ni Executive Director Kyle Principe (ika-6 mula sa kaliwa), at sa Department of Education, na kinakatawanan ni Director IV Dr. Miguel Angelo Mantaring. Iginawad ang parangal at pagkilala sa ginanap na Gathering of Champions sa ika-60 taon ng MILO® Pilipinas. (Retrato mula sa MILO® Pilipinas)

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® Pilipinas ang ika-60 taon nito sa pamamagitan ng pagmarka ng isang malaking tagumpay – pag-energize sa higit dalawang milyong kabataang Filipino sa pamamagitan ng mga grassroots sports program.

Sa pagtanaw sa tagumpay na ito, pinarangalan ng MILO® ang mga hindi matutumbasang kasosyo sa sports sa isang kaganapang tinawag na Gathering of Champions.

Kabilang sa mga natatanging kasosyo na kinilala ang Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at ang Department of Education (DepEd) para sa kanilang mahalagang papel sa paghubog at pagpapatuloy ng pamana ng MILO® sa pag-aalaga ng mga batang Filipino patungo sa tagumpay sa pamamagitan ng sports.

Upang patatagin ang kanyang pangako sa pagbuo ng mga kampeon, sinabi ni Veronica Cruz, SVP ng MILO® Pilipinas at Business Executive Officer para sa Beverages and Confectionery, Nestlé Philippines, sa kanyang talumpati: “Ang aming pangako na isali ang mga batang Pinoy sa sports ay hindi kailanman nagbago. Ipinagmamalaki namin ang pamana na aming itinayo, ang mga ugnayang aming pinatibay, ang mga halagang aming natulungan sa pagtuturo sa mga batang atleta. Kasama ang bansa, ipinagdiwang namin ang ika-60 taon ng MILO sa isang panawagan na ilabas ang kampeon sa bawat Filipino.”

Ipinahayag ni Richard Bachmann, Chairman ng PSC, ang pakikiisa sa MILO® sa kanilang sama-samang misyon na itaas ang grassroots sports at magbigay inspirasyon sa mga hinaharap na kampeon sa mga Pilipino.

“Dynamic ang tanawin ng sports sa Filipinas. Sabik kami na mag-antabay sa mas marami pang matagumpay na kinalabasan. Nais kong iparating ang aming pasasalamat sa MILO Pilipinas sa pagiging isa sa aming mga kasosyo sa pagsusulong ng pisikal na kalusugan at wellness. Magtulungan tayo na mas pagbutihin ang aming mga tagumpay upang matuklasan ang mga bagong grassroots talents na magiging mga tagapagdala ng ating watawat sa hinaharap.”

About Henry Vargas

Check Also

Sa NAIA Terminal 1 5-anyos anak ng paalis na OFW, 1 pa, patay sa araro ng SUV

Sa NAIA Terminal 1
5-anyos anak ng paalis na OFW, 1 pa, patay sa araro ng SUV

PATAY ang isang 5-anyos anak na babae ng paalis na overseas Filipino worker (OFW) at …

Marikina Federation of Public School Teachers

‘Mga guro kami at ‘di kasangkapan ng politika’ — Marikina Federation of Public School Teachers

MARIIN naming kinokondena ang iresponsableng ulat na lumabas sa isang news website na gumamit ng …

Trabaho Partylist

Para sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon at Bulusan
TRABAHO PARTLIST, NANAWAGAN NG CALAMITY LEAVE

MATAPOS ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, nanawagan ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, …

Win Gatchalian

Gatchalian: DILG hinimok bumuo ng local literacy councils para sa mas epektibong literacy programs

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na …

Makati Taguig

Taguig ‘di tinanggihan naudlot na P200-B Makati subway project — Cayetano

BINIGYANG-LINAW ni Senador Alan Peter Cayetano na kailanman ay hindi tinanggihan ng pamunuan ng Taguig …