Thursday , October 31 2024
Francis Tolentino Robin Padilla

 ‘Tol pumalag vs Bad Boy

PINALAGAN ni Senate Majority Floor Leader Francis “Tol” Tolentino ang panawagan ni Senador Robinhood “Robin” Padilla a.k.a. The Bad Boy of Philippine Cinema, na dapat siyang magbitiw sa partido bilang lider ng Partido Demokratikong Pilipino (PDP) ngayong siya ay kabilang sa liderato ng Senado.

Binigyang-diin ni Tolentino, hindi ngayon panahon at hindi nararapat na pag-usapan ang politika.

Tinukoy ni Tolentino na mas mainam magtulungan at magkaisa para mapadali ang rehabilitasyon ng ating mga kababayan na sinalanta ng bagyong Carina.

Partikular na tinukoy ni Tolentino na dapat bigyang pansin ang mga kababayan nating nasa iba’t ibang  evacuation centers, ang mga may karamdaman, mga nawalan ng tirahan, at nasira ang kabuhayan.

Payo ni Tolentino kay Padilla, mas mabuting ang pag-usapan ay kung paano matutulungan ang ating mga kababayan sa panahong ito kaysa magpolitikahan.

Ang pahayag y ginawa ni Tolentino matapos ang  kanyang pamamahagi ng tulong sa mahigit 500 pamilyang apektado ng hagupit ng bagyong Carina sa mga mamamayan ng Barangay Tumana, sa lungsod ng Marikina.

Nagtungo si Tolentino para mamahagi ng food packs dakong 6:30 am nitong Sabado, sa Concepcion Elementary School sa Concepcion Uno sa lungsod ng Marikina na nagsilbing evacuation center ng mga residente ng Barangay Tumana na naapektohan ng bagyong Carina.

Lubos na nagpasalamat ang mga mamamayan ng Barangay Tumana kay Tolentino sa kabila ng isang araw na abiso sa kanya ni Tumana barangay chairwoman Akiko Centeno.

Tiniyak ni Tolentino na tututukan niya ang pagsasagawa ng imbestigasyon kung bakit patuloy na lumulubog sa baha ang Metro Manila.

Aniya, lagi siyang nakaalalay sa mga mamamayan ng Tumana at sa lahat ng Marikeño sa lahat ng uri ng sakuna.

Nanalangin si Tolentino na ito na sana ang huling sakuna para sa mga taga-Tumana.

Tumatayong PDP Vice President for Luzon si Tolentino, kapartido si dating Pangulong Rodrigo Duterte. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Yul Servo Joel Chua

VM Yul kompiyansa at buo ang suporta kay Cong Chua!

TAHASANG inihayag ni Manila Vice Mayor Yul Servo Nieto ang kanyang buong pagsuporta sa muling …

Project Ligtas Eskwela ikinasa ng QCPD

Project Ligtas Eskwela ikinasa ng QCPD

INILUNSAD na ng Quezon City Police District (QCPD)  ang “Project Ligtas Eskwela” sa mga paaralan …

PAGASA Bagyo Leon

STS ‘Leon’ maaring maging super typhoon, Signal No. 5 posible — PAGASA

Hindi inaalis ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang posibilidad na maging …

Leni Robredo Benhur Abalos, Jr 2

Robredo, Abalos nagkita para maghatid ng tulong sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Naga

NAGA CITY, Camarines Sur — Nagkasama muli sina dating bise presidente Leni Robredo at senatorial …

Ram Revilla

Sa hagupit ng bagyong Kristine at iba pang trahedya
CAVITEÑOS TULONG-TULONG, SAMA-SAMA SA PAGBANGON

NANINIWALA si Cavite Board Member Ram Revilla, sa pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kababayang Kabitenyo …