Thursday , June 4 2026
Elijah Alejo Field Trip

Elijah kayang-kayang makipagsabayan

RATED R
ni Rommel Gonzales

MGA baguhang artista halos ang kasama ni Elijah Alejo sa bagong pelikulang Field Trip, kaya tinanong namin ang Kapuso young actress kung may nadarama ba siyang pressure dahil kung tutuusin ay siya ang magdadala ng pelikula.

Okay, parang naano ako roon ah,” ang natatawang umpisang reaksiyon ni Elijah. “Parang ngayon po ako na-pressure sa question na ‘yun.

Honestly po hindi po ako nakakaramdam ng  pressure kasi I know naman po na hindi rin po sila kumbaga ilalagay dito ni direk kung wala pong nakikita si direk in them na kumbaga makakapag-add to the movie.

“So I know for a fact na lahat po kami rito magtutulong-tulong regardless of newcomer man or veteran.”

At bilang isang young actress na matagal na sa industriya ng pelikula at telebisyon, may advise ba siyang maibibigay sa mga mga bago pa lamang nag-aartista?

Ngumiti muna si Elijah bago sumagot, “Ahmmm ang advise ko lang is, okay ‘yung kinakabahan ka. Kasi iyon din ‘yung advise sa akin nina Papa Wendell eh,” pagtukoy ni Elijah kay Wendell Ramos na co-star niya sa Prima Donnas TV series ng GMA.

Pagpapatuloy pa ni Elijah, “So okay lang ‘yung kinakabahan ka kasi alam mo na kapag kinakabahan ka alam mo rin na mayroon kang something na maibibigay talaga roon sa movie.

“Mayroon kang maibubuga. Alam mong kaya mong makipagsabayan.”

Ang Field Trip ay isang surprise/adventure movie ng PinoyFlix Entertainment Production, Inc. ni Jose “JR” Olinares na siya ring direktor ng naturang pelikula.

Gaganap si Elijah sa pelikula bilang si Angela.

Nasa pelikula rin, na isinulat ni Eric Ramos at ipalalabas sa Nobyembre 2024, sina Jeffrey Santos, Dindo Arroyo, Simon Ibarra, Alex Medina, Dexter Doria, Jennifer Lee, at Poppo Lontoc.

Nasa pelikula rin bilang si Jerry si MJ Manuel (na nominadong Best New Movie Actor sa PMPC’s 40th Star Awards for Movies para sa pelikulang Unspoken Letters) at si Gab Dekit bilang si Rhian.

Ang mga newbie stars na nasa pelikula ay sina Nicole Alayon, Mika Pardo, Jea Manalo, Natsumi Nose, Abegail Tabiolo, Kate Ronco, Angel Llames, at Ron Medina.

May pakulo ang PinoyFlix Entertainment Production, Inc. (nina direk JR at Production Manager Sam Faj. Calaca) sa mga manonood dahil may pa-raflle sila sa mga movie ticket holder na may mapapanalunang condo unit at marami pang malalaking papremyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …