RATED R
ni Rommel Gonzales
MULI na namang nakatanggap ng pagkilala ang top-rating GMA medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Kinilala ang serye bilang TV Series of the Year (afternoon) sa 5th Village Pipol’s Choice Awards.
Personal na tinanggap ni Sparkle artist Jeff Moses ang award bilang Promising Male Star of the Year. Gumaganap siya sa serye bilang si Reagan, isa sa mga kaibigan ni Doc Analyn (Jillian Ward).
Kamakailan, nakatanggap din ng parangal ang programa mula sa 2024 Box Office Entertainment Awards bilang Popular TV Program Daytime Drama. Kinilala rin ng award-giving body ang husay sa pag-arte nina Jillian at Richard Yap.
Congratulations, Team Abot-Kamay Na Pangarap!