PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
“SIGURO po ay may ibang plano si Lord kung kaya’t parang ginigiya na ako sa pag-focus sa work,” ito ang reaksiyon ni Benz Sangalang sa tanong kung may plano pa itong bigyan ng katarungan ang pagpaslang sa kanyang ina.
May kapasidad na ang aktor na harapin ito, pero sa kanyangpagkaka-alam, tila “patay” na rin ang sinasabing pumaslang sa ina.
At bilang siya ngayon ang tinaguriang Vivamax King, “mas pagbubutihin ko na lang po siguro ang trabaho.”
Though may mga intriga ring naririnig si Benz ukol sa title niya. Deadma na lang siya bilang hindi naman niya ito hiningi.
Sa latest Vivamax movie na Balinsasayaw, sina Apple Dy at Aiko Garcia ang kanyang kaeksena sa maiinit at ‘ika nga ni direk Roe Pajemma, “ito na ‘yung boldest, sexiest, at most daring na ginawa nila under my direction.”
Yes po mga ka-Hataw, ang Balinsasayaw nga po ay ‘yung ibon na matatagpuan sa Palawan na nakagagawa ng masarap na soup out of their saliva.
Kaya medyo intriguing kung paano itong na-incorporate sa movie hehehe!