Saturday , August 2 2025
Prince Keino Noreen Divina

Prince Keino nakiisa sa outreach program ni Nailandia owner Noreen Divina

RATED R
ni Rommel Gonzales

DAHIL matalik na magkaibigan ang Nailandia owner na si Noreen Divina at talent manager na si Rams David, madalas ay present sa mga event ng una ang mga artist ng Artist Circle Management.

Tulad na lamang ng bagets popstar na si Prince Keino na nakibahagi sa recent outreach program ni Noreen para sa mga lolo at lola sa mga home for the aged nitong birthday ni Noreen at nito ring katatapos lamang na Mother’s Day.

Nagsimula si Prince Keino sa Eat Bulaga, sa Hype Kang Bata Ka Season 1 noong 2018.

Lahad ni Prince Keino, “Dalawang beses po akong nanalo and nakaabot po ako sa Team Beat.

“Then after po niyon nag-try din po ako sa acting, sa ‘The Gift,’ naging young Victor Anastacio po ako.”

Umere noong 2019, ang The Gift ay TV series sa GMA na pinagbidahan ni Alden Richards.

Napasama rin si Prince Keino sa Season 5 ng Team Yey! na ipinalabas sa YeY Channel ng ABS-CBN TVplus na isang educational program para sa mga bata na nakasama sina Marco Masa, Xia Vigor, at iba pang child stars.

Then after po niyon, nag-‘Dream Maker’ na po ako sa ABS-CBN, nag-search po sila for Global Pop Group.”

Umere ito noong 2022 na host sina Ryan Bang at Kim Chiu, sa naturang boy group survival reality show nabuo ang Hori7on na binubuo nina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng, at Winston Pineda.

Ako po ‘yung nag-rank 9 sa 62 contestants,” saad ng 15 year-old na si Prince Keino. “Nasa Star Music po ako ngayon.”

Taong 2023 nanalo po ako sa 8th PPOP Awards bilang PPOP Rap Artist of the Year.”

First endorsement ni Prince Keino ang Ching’s Fried Noodles at siya rin ang pinakaunang brand ambassador nito na produkto at pagmamay-ari ni Remilly Maniti Co.

And speaking of Noreen Divina, ikatutuwa mo, my dear editor Maricris Valdez dahil bukod sa Nailandia ay binuksan na rin ang SKINLANDIA!

Rito naman ay halos lahat ng klase ng treatment at wellness ng balat at buhok ay maaaring i-avail.

Halimbawang manipis ang buhok, mayroong expert solutions ang Skinlandia, ang Exosomes for the hair.

Very affordable ang exosome therapy para sa “healthier, fuller hair”!

Ang SKINLANDIA ay isang “cutting-edge dermatology and plastic surgery clinic that offers a sanctuary for relaxation and rejuvenation”.

Sosyal, ‘di ba?

Mahuhusay ang mga doktor at espesyalista sa naturang clinic ni Noreen na, “dedicated to enhancing your natural beauty, utilizing the most modern and state-of-the-art machines available.”

Kung anuman ang pangangailangan ninyo, rejuvenating facial, o simpleng enhancement, o isang bonggang transformative procedure, handa ang team ng SKINLANDIA na ialay sa publiko ang the best nilang serbisyo.

At higit sa lahat ay open for franchise ang SKINLANDIA sa murang halaga.

Kaya tumawag, mag-text o mag-Viber na sa 0995 577 0628, 0915 106 0888, (02) 8282 4306 at mag-Viber sa +63.917.868.8550 para sa mga detalye.

May branches na ang SKINLANDIA sa SM City Fairview at SM Jazz Residences.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae durog ang puso sa pagkamatay ng asawa, pagpapakalat ng maling impormasyon inalmahan

KINOMPIRMA ni Rufa Mae Quintoang pagpanaw ng asawang si Trevor Magallanes. Ibinahagi ng komedyante sa pamamagitan ng …

Art Halili Jr Aking Mga Anak

Art Halili Jr. tiniyak, moviegoers makaka-relate sa pelikulang ‘Aking Mga Anak’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio TINIYAK ni Art Halili Jr. na makaka-relate ang moviegoers sa advocacy …

Virgie Batalla

Fashion Designer Virgie Batalla pararangalan sa 10th Model Mom 2025

MATABILni John Fontanilla ISA ang Pageant International- National Director/Businesswoman at Fashion Designer, Ms. Virgie Batalla sa pararangalan …

Nadine Lustre

Nadine kinontra post ng isang entertainment site 

MATABILni John Fontanilla HINDI nagustuhan at ‘di napigilang mag-react ni Nadine Lustre sa ipinost ng isang entertainment …

Alfred Macapagal Piolo Pascual John Lloyd Cruz Angel Locsin Bea Alonzo

Piolo, Lloydie, Angel, Bea gustong makatrabaho ni Alfred Macapagal

MATABILni John Fontanilla PANGARAP ng newbie actor na si Alfred Macapagal na makatrabaho ang mga …