I-FLEX
ni Jun Nardo
PINAKAMALAKING event pala sa Pacific Mall sa Nueva Ecija ang naganap an premiere night ng pelikulang When Magic Hurts last Sunday.
Dinagsa ng tao ang premiere na dinaluhan ng mga bidang sina Beaver Magtalas, Mutya Orquia, Maxine Trinidad pati na si Claudine Barretto at iba pa.
Tuwang-tuwa kay Claudine ang parents ni Beaver na sina Filipina at Alvin Magtalas na isang konsehal sa Cabanatuan.
Pabulosa ang lokasyon ng movie sa Atok, Benguet lalo na ang Flower Farm.
Magagaling ang mga artista at bagay kay Beaver ang role lalo na noong kantahin na ang theme song na Got To Believe In Magic.
‘Yun nga lang, hindi pa niya masabi kung kanino
kina Mutya at Maxine ang nagpapatibok ng puso niya, huh!
Congratulations sa lahat ng bumubuo ng When Magic Hurts na showing na sa sinehan this May 22.
Maraming-maramaming salamat din kina Konsehal Alvin at Filipina na very accommodating na nasaksihan namin sa premiere night na tuwang-tuwa sa experience na narasanan on Mother’s Day!