Monday , February 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andi Eigenmann Coco Martin

Coco sinalubong ng mahigpit na yakap ni Andi   

ni Allan Sancon

MADAMDAMIN ang mga tagpo sa ikalawang gabi ng lamay ng batikan at award winning actress na si Jaclyn Jose na dinaluhan ng mga ibang cast members at staff ng FPJ’s Batang Quiapo. Maging sina Ms. Cory Vidanes, Vice Ganda, Janine Gutierrez ay dumalo para makiramay.

Sinalubong ng mahigpit na yakap ni Andi Eigenmann si Coco Martin habang umiiyak. Naging very solemn ang programa ng gabing iyon na hosted by MJ Felipe. Bago nagsimula ay ipinakita sa audio visual presentation ang ilang mga naging project ni Jaclyn hindi lang sa telebisyon maging ang mga pelikulang nagbigay sa kanya ng parangal.

Makabagbag damdamin ang mga awiting inialay nina Zsa Zsa Padilla, Jona, at Jed Madela para kay Jaclyn. 

Isa sa highlight ng programa ay ang pagbibigay mensahe ni Coco sa kanyang kaibigan at nanay-nanayang si Jaclyn. 

Ikinuwento niyang ang premyadong aktres ang isa sa dahilan kung bakit siya napasok sa showbiz at ito rin ang isa sa mga artistang nakasama niya sa kanyang unang pelikulang Masahista.

Isa sa mga mensaheng ibinigay ni Coco na kumurot sa puso ng mga nasa lamay ay nang ikuwento niya ang huling araw na nag-usap nila ni Jaclyn.

’Yung huling memories ko sa kanya na nag-usap kami roon sa labas ng tent niya na kung ano na nga ‘yung tatakbuhin ng karakter niya. Pagkatapos nga niyon pack-up na ako. Hindi ko makalimutan ‘yung memories na nagpaalam ako sa kanya sabi ko ‘Mommy Jane, babay, I love you!’ Sagot niya, ‘love you anak,’ tapos sabay alis niya.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …