MATABIL
ni John Fontanilla
NABAHIRAN ng kalungkutan ang kasiyahang nadarama ng Pinay International singer na si Jos Garcia ng maging nominado sa 15th PMPC’s Star Awards for Music sa kategoryang Female Pop Artist of the Year para sa awiting Nami-miss Kita na komposisyon ni Amandito Araneta Jr., dahil sa pagpanaw ng kanyang nakatatandang kapatid na babae.
Post nito sa kanyang Facebook, “Kapatid kong super makulit pero super mapagmahal. Rest In Peace Ate ko. #sisters #memory.”
Na sinundan pa ng isang post, “Mananatili ka sa puso ko mahal kong Ate.”
At kahit nga nagluluksa, naniniwala ito sa kasabihang the show must go on, lalo na’t matagal nang naka-schedule ang kanyang paglibot sa iba’t ibang panig ng bansa para sa promotion ng Cleaning Mama’s by Natasha.