Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Dingdong Dantes Nwow

Marian kayang-kayang ipasyal ang pamilya gamit ang E-bike

RATED R
ni Rommel Gonzales

INI-IMAGINE namin na ang cute sigurong pagmasdan habang nagmamaneho si Marian Rivera ng E- bike o anumang electronic vehicle tulad ng golf cart habang ang pasahero niya ay ang mister na si Dingdong Dantes at ang mga anak nilang sina Zia at Ziggy.

Ang Dantes family kasi ang newest and first celebrity endorsers ng NWOW na siyang kompanya na nagbebenta ng mga electronic vehicle na usong-uso ngayon sa Pilipinas.

Sa tanong sa GMA Primetime Queen kung kaya ba niyang magmaneho ng electronic vehicle sakay ang kanyang pamilya, oo raw dahil napakadali nitong gamitin.

Convenient kasi ang mga electronic vehicles kapag malapitan lamang ang pupuntahan, tulad nga ng kuwento ni Dingdong, na sa barangay nila (yes, barangay ang term na ginamit ni Dindgong although for sure, sosyal na village ang tinitirhan nilang mag-anak) ay electronic vehicles ang gamit nila kapag pupunta sa park o mag-iikot lamang sa kanilang lugar.

At napaka-responsible ni Dingdong sa paalala sa mga sumasakay sa mga E-bike o anumang electronic vehicle, na kahit safe naman ang mga ito kahit para sa mga bata, kailangan pa ring magsuot ng helmet at safety or protective gears para matiyak ang kaligtasan ng mga nakasakay.

Kaya hindi talaga nagkamali sina Mr. Liu Lucius at Mr. Julius Santos ng NWOW sa pagpili sa pamilyang Dantes bilang celebrity endorsers ng kanilang produktong sasakyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …