Friday , May 17 2024
Bulacan Police PNP

Limang ‘wanted person’ sa Bulacan nasakote

Sa pinaigting pang operasyon ng kapulisan sa Bulacan ay nagresulta sa pagkaaresto ng limang indibiduwal na pinaghahanap ng batas sa iba’t-ibang paglabag sa batas.


Sa kampanya laban sa wanted persons ay naaresto ng Bulacan PNP ang tatlong indibiduwal na may utos ang hukuman para sila ay arestuhin.

 Ang tracker teams ng Bulacan 2nd PMFC at San Jose Del Monte CPS ay arestado sina Sergio Valmera ng Brgy. San Rafael 5 para sa  2 bilang ng Acts of Lasciviousness alinsunod sa  RA 7610; Rodalyn Estrada sa kasong Theft at Michael Ipio sa paglabag sa section 11 Article II ng R.A. 9165.


Samantala, sa ikinasang anti-Illegal drug operations ng Meycauyan CPS Drug Enforcement Unit (DEU) ay arestado ang dalawang drug dealers sa magkahiwalay na drug sting operation sa Brgy. Bahay Pare at Brgy. Pantoc, Meycauayan City. 

Kinilala ang mga naaresto na sina Julius Lampaso at Bryl Gie Torralba, kapuwa kabilang sa drugs watchlist. 

Narekober mula sa mga arestadong suspek ang kabuuang 2.47 gramo ng shabu na may standard price na Php 16, 400.00.  


Sinabi ni Police Colonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP na ang kanyang kapulisan ay hindi titigil sa mahigpit na kampanya laban sa masasamang elemento para mapanatili ang katahimikan sa lalawigan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

ni Almar Danguilan MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American …

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

Alexis Castro Connor Costello

Ugnayan ng Bulacan sa mga estado ng Australia, pinaigting

ISINUSULONG ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at mga bumisitang Australian …

BuCor CHR NBP Bilibid

CHR umarangkada vs strip search ng BuCor

TINANGGAP ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga imbestigador ng Commission on Human …