Thursday , June 4 2026
Nadine Lustre 2

Sa pagkapanalo at box office movie
NADINE MAS SINIPAG MAGTRABAHO NGAYONG 2023

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI nagpapaapekto si Nadine Lustre sa mga kumukuwestiyon sa hakot award na nakuha ng kanilang pelikulang Deleter na itinanghal na Top Grosser sa Metro Manila Film Festival 2022.

Ayon kay Nadine sa Thanksgiving Party ng Deleter na ginanap noong January 11, sa Greyhound Cafe sa Rockwell Makati City na alam niyang hindi naman lahat ay aayon sa naging resulta ng MMFF. May iba pa ring pupuna sa pelikula, pero hindi na iyon mahalaga kay Nadine kung anong sasabihing ‘di maganda ng ibang tao. Dahil ang mahalaga ay masaya sila sa naging resulta ng pinaghirapan nilang pelikula.

At kahit nga si Nadine ay hindi umaasang mananalo ng best actress, dahil hindi siya assuming na tao, ang mahalaga ay nagampanan niya ng maayos ang kanyang role at nagustuhan ng mga manonood. Bonus na lang ang pgkapanalo niya  ng best actress.

Kaya naman thankful nga ito sa mga taong tumangkilik ng Deleter kaya sila ang itinanghal na top grosser sa taunang festival.

At sa pagwawagi ng best actress at sa pagkakaroon ng box office movie ay mas na-inspire si Nadine na magtrabaho nang magtrabaho ngayong 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …