Monday , December 23 2024
San Miguel Rural Rising Ph

1.7 milyong kilo ng gulay, prutas nasagip
SMC, RURAL RISING, NAKATULONG SA MGA MAGSASAKA

NAILIGTAS ng San Miguel Corporation at Rural Rising Ph (RuRi) ang may kabuuang 1.7 milyong kilo ng prutas at gulay simula noong taong 2020 upang matulungan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng “rescue buy.” 

Umabot sa 4,500 magsasaka mula sa Luzon ang natulungan ng SMC at RuRi sa programang ito sa pamamagitan ng agricultural products na dinadala sa  Better World Diliman community center. 

“Food security remains to be one of the pressing concerns today and in the coming years, and we are happy to help bridge the gap between farmers and end-consumers by ensuring farmers get better-than-farmgate prices for their agricultural produce to earn higher incomes while offering these directly to consumers, including our employees,” wika ni SMC President and CEO Ramon S. Ang. 

“This partnership also allow us to provide a steady supply of fruits and vegetables to our adopted communities in Tondo through our Better World Tondo community center,” dagdag niya. 

Kasama sa 1.7 milyon kilo ng prutas at gulay ang donasyon na 14,000 kilos na kinabibilangan ng sayote, cabbage, lemon, at pakwan sa mga komunidad sa Tondo simula 2020 habang ang Box-All-You-Can activities sa SMC head office ay nakapagbenta ng 2,260 kilo ng prutas at gulay sa mga empleyado. 

Bahagi ang naturang inisyatiba ng programa ng SMC upang pataasin ang kinikita ng mga magsasaka, mabawasan ang food waste at makatulong sa seguridad sa pagkain sa gitna ng pandemya. 

Noong 2020, ang San Miguel Foods Inc. (SMFI) ay namili rin ng mais mula sa farmers cooperatives sa buong bansa nang hindi ito madala sa mga pamilihan dahil sa quarantine protocols. Nakatulong ito para masiguro ang raw materials ng SMFI para sa produksiyon. 

Samantala, libre pa rin ang espasyo para sa mga magsasaka sa Circolo Market sa pakikipagtulungan sa Cabuyao Agriculture Office sa Laguna at  sa San Miguel Market sa Sariaya, Quezon province kung saan nakatira ang farmer and fisherfolk relocatees sa San Miguel Christian Gayeta Homes. 

“Our efforts are not limited to just helping farmers sell their excess produce to prevent these from going to waste. These also include providing market facilities so they can save on transportation costs and also maintain the freshness and quality of products sold to consumers and also supporting community-based agriculture initiatives,” wika ni Ang. 

Noong 2020, nakipagtulungan ang SMC sa Department of Agriculture (DA) para sa “Kadiwa ni Ani at Kita” rolling stores sa Petron stations. 

Samantala, ang mga miyembro ng RSA Farmers Association sa Davao del Sur ay napalago ang suporta ni Ang maliban sa kinita ng SMC community reselling program para sa rabbitry at hog-raising livelihood projects. 

Nabigyan rin sila ng Entrepreneurship and Financial Management (EFM) training ng SMC sa pamamagitan ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA). 

Inaalagaan ng mga miyembro ng RSA Farmers Association ang mga rabbit mula sa Aznar Rabbitry Farms sa ilalim ng rabbitry buyback program partnership. Binibigyan rin sila ang technical assistance ng BMEG at pautang para sa feeds sa ilalim ng community hog-raising/hog-fattening program. (MICKA BAUTISTA) 

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …