Sunday , December 22 2024
Ruru Madrid Bianca Umali Korea

Ruru sinundan ni Bianca sa Korea

MATABIL
ni John Fontanilla

FINALLY ay natapos na ang tapin ng Runningman PH sa Seoul, South Korea na inabot sila ng 45 days. Hindi naman araw-araw ang shoot or taping nito na for airing sa September sa GMA. 

Excited lahat pagdating sa South Korea at lahat sila ay under sa mga GMA bosses. Nagpunta sila roon para sa programang Runningman PH at hindi para magbakasyon or good time. Kaya under strict supervision sila at hindi puwede ag pa-gala-gala kahit sa mga rest day unless may permiso ng namamahala. Pinapayagan naman silang mamasyal basta magkakasama at under the guidance ng nakatataas. 

Masaya ang lahat at natutuwa ang mga namamahala at nakita nila ang closeness ng bawat isa at nagkaron ng bonding. Si Ruru Madrid naman na bukod sa trabaho ay madalas nagpo-post para sa kanyang IG at FB. Sinisiguro niya na makakaipon siya para sa content ng vlog niya. 

Matapos ang ilang linggo kahit magkakasama sila ay naramdaman nila ang lungkot dahil na-homesick na at hinahanap-hanap na nila ang buhay sa Pilipinas. Nanawa na sa Korean Food. Minsan naman kapag lumalabas sila ay nag-hi-Help sila para makapagluto sila ng Filipino food. May napuntahan nga silang Filipino event at doon ay nakatikim sila ng mga Filipino food.

Lately ay napabalita ang malalakas na ulan at kaya maraming lugar sa Seoul na baha at ikinamatay ng marami. Mabuti na lang at papauwi na ang grupo at hindi na nila mararanasan ang trahedya.

Nitong pauwi na sila ay bigla namang sinorpresa ni Bianca Umali si Ruru. Walang kaalam-alam si Ruru na darating ang girlfriend. Mabuti na lang behave ang Ruru. (Joe Barrameda)

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …