Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
lester Paul Recirdo

Lester Paul waging Mr. World Noble King 2021abala sa iba’t ibang projects

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HUMAHATAW si Lester Paul at kaliwa’t kanan ang projects niya ngayon, plus, wagi pa siya ng iba’t ibang awards din.

Si Lester ay isang actor, singer, composer, at endorser. Siya ay recording artist ng Ivory Records na unang nakilala sa single niyang Pako o Pangarap Ko, na isang original komposisyon niya.

Kamakailan ay nanalo siyang Mr. World Noble King Philippines 2021 kaya siya ang kinatawan ng Filipinas sa Mr. Noble King International pageant na gaganapin dito sa bansa. Tumanggap din siya ng parangal recently bilang Viral Pageant King sa Okada, Manila.

Kasama rin si Lester sa kikilanin sa Manila’s Forbes Best Dressed List na gaganapin sa May 1 sa Diamond Ballroom ng Diamond Hotel.

Balik-acting na rin si Lester via Forever Yours ng PEPP’s TV, starring Inaki Torres, Adrian Solo, Ms. Faye Tangonan and a lot more, directed Carlo Morris Galang.

Matatandaang bago nagka-pandemic ay may mga pelikulang ginagawa si Lester ngunit nahinto ito dahil nga sa Covid 19.

Speaking of Covid 19, si Lester ay parte rin ng benefit show na Covid Out, Ate Gay In na tinatampukan ng talented at super-kuwelang komedyanteng si Ate Gay. Ito ay gaganapin sa Thursday, April 28, 8pm sa Music Box Timog, Quezon City at ang baneficiary ng show ay ang GRACES – Home for the Aged.

Special guest dito ni Ate Gay ang mga Vivamax stars na sina Sean de Guzman at Marco Gomez.

Ipinahayag ni Lester ang kagalakan na maging bahagi ng benefit show na ito. 

“Siyempre po I’m blessed to be part of the concert, lalo na at may mapupuntahan yung pinaghirapan ng bawat isa. Kumbaga, nakapagpasaya ka na, nakatulong pa. Kaya happy ako na maging part ng Covid Out, Ate Gay In,” nakangiting wika ni Lester.

Ang show na mula sa TEAM (The Entertainment Arts & Media) ay pamamahalaan ni Obette Serrano. Mapapanood din dito sina Dax Martin, Regina Otis, EJ Salamante, Janah Zaplan, Erika Mae Salas, Jasmine Heart Domingo, at Yohan Gomez. May special number din dito sina Ms. Joyce Pilarsky at Marc Cubales.

Kabilang sa pinasasalamatang sponsors sina Ms. Emma Cordero, Centerstage Productions, Joed Serrano, Ms. Julie Defensor, Joyce Penas Pilarsky, BG Productions and PC Gooodheart ni Ms. Baby Go, Queen Eva’s Salon, Skin Light, Princess Revilla Foundation, at Beauty Lab. Nagpapasalamat din ang TEAM kay kapatid na Jobert Sucaldito.

Ang tickets, priced at P1,000 each, ay available sa entrance ng Music Box. For details, call or text Anne at 0956-960-6984 and Nonie at 0908-234-7688.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …