Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barretto Dennis Padilla
Julia Barretto Dennis Padilla

Julia nagmalaki kay Dennis

MA at PA
ni Rommel Placente

NAPANSIN ng mga netizen ang post ni Julia Barretto noong nakaraan Father’s Day sa kanyang social media account na hindi binati ang amang si Dennis Padilla.

Bilang pag-alala kasi sa okasyong ito ay nag-post siya ng larawan kasama ang kanyang yumaong Lolo Miguel. Ang isang larawan naman ay kasama niya si Ian Veneracion na gumanap na daddy niya sa seryeng A Love To Last noong 2017.

Nagtanong siyempre ang mga netizen kung bakit wala sa post ang larawan na kasama niya ang tunay na ama na si Dennis. Kahit sana anuman ang galit niya rito ay tatay pa rin niya ito.

Sabi ng isang netizen, ”Then Julia is wondering bakit dami nya bashers. Minsan tignan mo din sarili mo. Tatay mo yan julia. Tatay mo. Bakit nagmamalaki ka? Kung wala siya wala ka sa mundong ito Di mo mkikilala si Gerald na mahal na mahal mo. Bottomline maging thankful ka pa din sa tatay mo. Ayaw mo sa haters eh ikaw mismo hater ng sarili mong tatay. Wake up!”

May netizen din namang nagtanggol sa aktres. Komento niya, ”We should not just comment like that. We do not know the real story. We don’t even know what really happened to their father.”

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …