Thursday , June 4 2026
marijuana

P120K marijuana nasamsam sa buy bust ops sa Bulacan

NASAMSAM ng mga awtoridad ang 10 bloke at limang piraso ng binilot na papel na naglalaman ng tuyong dahon ng marijuana, may street value na P120,000 mula sa limang hinihi­nalang tulak sa buy bust at follow-up operations na ikinasa ng Plaridel PNP sa Brgy. Tabang at Brgy. Banga 1st, sa bayan ng Plaridel, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng hapon, 24 Abril.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang mga nadakip na suspek na sina Kim Samarita, watchlisted drug personality; Russel de Jesus, alyas Goyong; at Rolando Nicolas, Jr., alyas JR, pawang mga residente sa Tabang, Plaridel; Arvin Lopez, alyas Bin ng Sulucan, Bocaue; at John Paul Estrella, ng Tambubong, Bocaue.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Jesus Manalo, Jr., acting chief of police ng Plaridel Municipal Police Station (MPS), nagawang makabili ng poseur buyer ng maliit na pakete ng marijuana mula sa mga suspek na sina alyas Kim at alyas Goyong na nagresulta sa kanilang pagkaaresto at pag­kakompiska ng walong bloke at limang piraso ng binilot na papel na naglalaman ng dahon ng marijuana, at buy bust money.

Sa karagdagang imbestigasyon, lumitaw na ang mga naarestong suspek ay may iba pang transaksiyon na nagresulta sa follow-up operation ng mga operatiba at pagkaaresto kina alyas Bin, alyas JR, at alyas John Paul hanggang nasamsam ang dalawang bloke ng marijuana at cash money na halagang P5,000.

Dinala ang mga narekober na ebidensiya sa Bulacan Provincial Crime Laboratory Office para sa eksaminasyon samantalang inihahanda na ang mga kaukulang kaso na isasampa sa korte laban sa mga suspek.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …