Monday , December 23 2024

Kawatan ng motorsiklo todas 6 lumabag sa batas timbog (Sa Bulacan)

PATAY  ang isang hinihi­nalang magnanakaw ng motorsiklo habang arestado ang anim na lumabag sa batas kabilang ang tatlong most wanted persons (MWP) sa iba’t ibang police operations na ikinasa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang Linggo ng umaga, 25 Abril.

Sa ulat na isinumite kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, ang napatay na suspek ay kinilalang si Maynard Consunto, residente sa Prenza 1, sa bayan ng Marilao, sa nabanggit na lalawigan.

Batay sa ulat mula kay P/Lt. Col. Leandro Gutier­rez, acting chief of police ng Marilao Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente ng pagnanakaw ng motorsiklo sa Brgy. Patubig, sa naturang bayan.

Sa mabilis na pagres­ponde ng mga awtoridad ay nasabat nila ang suspek ngunit imbes huminto at sumuko ay nanlaban hanggang magkaroon ng shootout sa magkabilang panig na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Narekober sa pinang­yarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng kalibre .38 revolver na kargado ng bala, limang sachet ng hinihinalang shabu, at ang motorsiklong ninakaw ng suspek.

Samantala, sa buy bust operations na ikinasa ng mga operatiba ng Hagonoy Municipal Police Station (MPS), nagresulta sa pagkakadakip kay Alejandro Villamil, alyas Anjo, at Joanas Aguas, kapwa mga residente sa Brgy. Palapat, bayan ng Hagonoy, nakompiskahan ng limang sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Nadakip ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Chiristian Jay Valenzuela sa kasong acts of lasciviousness sa kanilang pagresponde sa insidente ng krimen sa lungsod ng Malolos.

Arestado rin ang tatlo pang suspek na pinag­hahanap ng batas ng tracker teams ng Malolos CPS at San Jose Del Monte CPS kasama ang 2nd PMFC, PHPT Bulacan, 301st MC RMFB3, at Pulilan MPS sa pakikipag-ugna­yan ng Los Baños MPS, Nagcarlan MPS, at tracker team ng RIDMB-4A.

Kinilala ang mga nadakip na sina Zyric Karikitan, No. 5 MWP ng PRO-4A (Regional Level), residente sa Brgy. Dulong Malabon, bayan ng Pulilan, dahil sa kasong rape; Noel Samonte ng Brgy. San Martin, San Jose del Monte, sa apat na bilang ng kasong paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence against Women and their Children); at Mary Jane Mana­han ng Brgy. Santia­go, Malolos, sa kasong estafa.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *