Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Caloocan City

Eskinita sa Kankaloo, ini-lockdown (Maraming kaso ng CoVid-19)

ISINAILALIM na sa lockdown ang ilang bahagi ng Barangay 35 bunsod ng mataas na bilang ng mga CoVid-19 cases kahapon ng madaling araw.

Pansamantalang isinara ang Block 6, Sawata, Area 2, Maypajo (nasasakupan ng LRTB Compound at  Dagat-Dagatan Avenue) simula 12:01 a.m., Miyerkoles, 21 Abril hanggang 11:59 pm, Martes, 27 Abril.

Ayon kay Caloocan Mayor Oca Malapitan, layunin nito na mapigilan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng CoVid-19 sa lugar.

“Pansamantala nating lilimitahan ang paglabas at pagpasok sa ilang bahagi ng Barangay 35. Magsa­sagawa tayo ng disinfecting operations, malawakang contact tracing at mass swab testing upang agad na maihiwalay ang mga pinaghihinalaang kaso ng CoVid-19 sa publiko,” ani Mayor Oca.

Sa kasalukuyan, naka­pag­tala ng kabuuang 38 aktibong kaso sa Barangay 35.

Patuloy na pinag-iingat ng punong lungsod ang mga residente sa lugar, habang ang mga may papasok sa kanilang trabaho ay inatasang lumipat muna upang hindi sila madamay.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …