Thursday , June 4 2026

‘Quarantine hotels’ sa QC, bantay sarado

MAHIGPIT na pinaba­bantayan at ipinamo-monitor ni Quezon City mayor Joy Belmonte ang mga hotel na ginagamit bilang quarantine facilities para sa Returning Filipino Workers (RFWs) o overseas Filipino workers  (OFWs) mula sa mga bansang may mga kaso ng  B.1.1.7 variant o ‘high levels’ ng  CoVid-19 community transmission.

Inutusan ni Belmonte ang Quezon City Police District (QCPD) na magtalaga ng mga pulis sa labas ng mga  hotel upang matiyak na ang lahat ng naka-isolate  ay makatapos ng kanilang 14-day quarantine period.

“Now that the DOH confirmed the presence of the new strain in several places of the country, the more we need to double our efforts in preventing the spread of the virus. If need be, we can tap our police officers to man these hotels so we can prevent returning Filipinos from leaving without finishing the government-mandated quarantine period,” ayon kay Belmonte.

“Nais nating maka­tiyak na hindi tayo napalulusutan ng mga hotel sa pagtanggap ng mga bisita na labas sa itinatakda ng ating protocols,” dagdag ng QC Mayor.

Kaugnay nito, inutu­san ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) ang mga hotel na magsumite ng listahan ng RFWs at OFWs na naka-quarantine para estriktong mai-monitor araw-araw.

Ayon kay CESU head Dr. Rolando Cruz, ang lahat ng  RFWs at OFWs na nananatili sa hotels ay kailangang tapusin ang 14-day quarantine bago sila payagang makauwi sa kanilang tahanan, kahit na-test sila na  positibo o negatibo sa CoVid-19 paglapag nila sa bansa.

“We will not allow them to go home or continue their   quarantine at home. It’s part of our protocol to ensure the safety of everyone,” dagdag ng CESU head.

Samantala, batay sa huling anunsiyo ng QC LGU, ‘zero case’ na sila sa CoVid-19 variant B.1.1.7 o UK variant matapos gumaling ang kauna- unahang naitalang  index case sa lungsod.                                         (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …