Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hindi man lang umabot sa 50 million

Sad ang balitang hindi man lang sumampa sa P50 million ang income ng sampung pelikulang kalahok sa recently finished digital edition ng Metro Manila Film Festival.

So, Vice Ganda’s decision was right after all. Na-foresee niyang mahirarapang makabawi sa digital. Obvious na mas gusto pa rin ng mga taong gumastos sa sinehan. Bumili ng ticket sa takilya at may budget pa sa snacks, at maging sa pasahe.

Iba pa rin talaga ang dating kapag sa sinehan ka nanonood. Kaya sana, sa forthcoming festivals, bukas na sana ang mga sinehan.

Malaking epekto pa rin ang walang habas na pamimirata. Wala silang pakialam sa mga pakiusap na sana, huwag nang piratahin ang mga pelikula.

Kaya sana, maaksiyo­nan ng Optical Media Board (OMB), na mahuli ang mga namimirata ng mga pelikula natin para maparusahan sila.

The industry needs the help of our government para makaahon-ahon man lang.

Hihintayin rin natin ang panu­num­pa ng bagong MMDA chairman na si dating Man­daluyong Mayor Benjamin “Benhur” Abalos, Jr.

Ang ama ni Benhur na si Benjamin Abalos, Sr., ay dati rin mayor ng Mandaluyong at nagsilbi bilang MMDA chairperson from January 20, 2001 up to June 5, 2002.

 

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …