Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dingdong Dantes, grateful sa partnership sa Beautederm at kay Ms. Rhea Tan

SA PAGPASOK ng 2021, patuloy sa pag-level-up at pagpapalaganap ng good vibes ang Beautéderm Corporation sa pormal na pagsalubong kay Dingdong Dantes sa illustrious roster ng A-List endorsers nito as brand ambassador ng Beautéderm Cristaux Supreme.

Si Dingdong, na kaka-40 lang ay hindi immune sa tolls ng kanyang hectic career na malaki ang epekto sa youthful glow ng kanyang balat.

Wika ni Dingdong, “Kailangan din naming mga lalaki na alagaan ang aming balat. Beautéderm Cristaux Supreme is an essential part of my daily skin regimen at bilang isang aktor, araw-araw ko itong ginagamit to maintain the youthfulness of my skin. Cristaux Supreme is really age defying.”

Ipinaliwanag ng Beautéderm President at CEO na Ms. si Rhea Anicoche-Tan ang wondrous effects ng Cristaux Supreme.

“Dalawang taon na worth of wrinkles ang binubura ng Cristaux Supreme in just two months of regular use. Very hard-working si Dingdong at ang mahahabang oras na ginugugol niya sa set ng kanyang trabaho sa pelikula at TV will really give his face unwanted lines and wrinkles, at ang Cristaux Supreme ang pinaka-ideal na serum para sa kanyang lifestyle.”

Pahayag ng Kapuso Primetime King, “I’m very much aware of the long-term effects of my work to my skin lalo na ngayong 40 na ako. I encourage every man to use an effective skin regimen like Beautéderm’s Cristaux Supreme as it will surely keep us looking fresh and youthful.”

Ang Cristaux Supreme ay isang FDA-Notified product na dinadagdagan ang collagen synthesis na bumabanat at nagmo-moisturize ng balat; nagpapaputi ng balat; minimizes skin puffiness; alleviates eyebags; provides glass skin; at nagde-defy sa pagtanda. Mainam ito sa mga edad 18 anyos at pataas at ligtas para sa lactating mothers, ang produktong ito ay meticulously formulated at sinadya at maingat na ginawa upang maging ligtas para sa lahat ng skin types at pinakamainam itong gamitin dalawang beses sa isang araw at maaaring gamitin bilang primer sa make-up.

Espesyal na taon ang 2021 para sa Beautéderm dahil minamarkahan nito ang 12th anniversary ng kompan­ya at ang launch ni Dingdong bilang brand ambas­sador ay una pa lamang sa maraming sorpresa na inihanda ni Ms. Rhea para sa bagong taon.

“Maligaya ako ngayong bahagi na si Dingdong ng aming Beautéderm family. Nandito na ang araw that we can proudly say that Dingdong Dantes is officially a Beautéderm Cristaux Supreme brand ambassador,” saad ng lady boss ng Beautéderm.

Maligaya rin si Dingdong ngayong bahagi na siya ng kompanya na ang asawang si Marian Rivera-Dantes ang mukha ng Beautéderm Home ay nag-o-offer naman ng exquisite line of soy candles at room and linen sprays.

“Nakikita at nararamdaman ko na kung bakit ang saya-saya ni Marian. Beautéderm really is a happy and fun family. Bukod sa aking asawa, a lot of my friends are part of the brand as ambassadors. Excited ako sa lahat ng promotional activities na gagawin namin ngayong 2021. I am so grateful and honored that Rhea got me to be a part of Beautéderm Cristaux Supreme and this for sure, will be an unforgettable partnership.”

Para sa mga karagdagang impormasyon ukol sa Beautéderm Cristaux Supreme at exciting updates kay Dingdong at sa Beautéderm, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …