IBANG klase talaga ngayon.
Kung sino ang pinaghihinalaang may korupsiyon, siya pang mag-iimbestiga?!
Ang buenas naman talaga!
Mantakin ninyo si Secretary Mark Villar pa ang nagbuo ng task force para raw imbestigahan ang korupsiyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) lalo sa project na Build Build Build.
“The DPWH Task Force against graft and corruption will probe ‘anomalies in the agency based on valid complaints,” ani Villar sa kanyang Department Order na may petsang 17 Oktubre.
Ayon sa senador, ang task force ay pamumunuan ni DPWH Assistant Secretary Meljohn Versoza, head ng Legal Services and Special Concerns unit.
Hindi natin alam kung papogi ba ito o hindi lang naiintindihan ni Sec. Villar ang kanyang sinasabi?
Payo lang natin kay Sec. Villar humanap siya ng magagaling na consultants…’yun lang.
Tsk tsk tsk…
Dalawang bagay lang ‘yan: wala ka ba talagang alam o niloloko n’yo lang ang taong bayan?!
Wattafak!