Saturday , May 18 2024

LA Clippers ititimon ni Tyronn Lue  

SUMANG-AYON si Tyronn Lue na maging susunod na coach ng Los Angeles Clippers.

 

Ang kontrata ay sa loob ng limang taon, ayon kay ESPN’s Adrian Wojnarowski.  Dagdag pa niya na kasado at pirmado na ang kontrata.

 

Si Lue, 43, ay nagsilbing lead assistant coach ng Clippers nung nakaraang season.   Ang kanyang promotion ay dumating nang kumalas ang dating coach na si Doc Rivers.

 

Sa pagpasok ni Lue sa Clippers ay aakyat si Chauncey Billups bilang assistant na bahagi ng coaching staff ng team, iyon ay kung hindi siya kukunin ng Indiana Pacers bilang head coach.

 

Ang huling pagkakataon na naging head coach si Lue ay nang itimon niya ang Cleveland Cavaliers nung 2015-16 season at iginiya niya ang team  sa unang kampeonato nito sa kasaysayan ng prankisa.   Si Larry Drew na isa sa kanyang assistants sa Cleveland ay mapapasama rin sa Clippers’ coaching staff, ayon kay Athletic’s Shams Charania.

 

Ititimon ni Lue ang prangkisa na hindi pa nakararating sa conference finals gayong malakas ngayon ang line-up ng team na pinangungunahan nina Kawhi Leonard at Paul George.   Ang kanyang rekord bilang head coach ay 128-93.

 

Sa pagkakaluklok ni Lue, ang NBA ay kasalukuyang may anim na Black head coaches:  Doc Rivers sa Philadelphia, Monty Williams sa Phoenix, Lloyd Pierce sa Atlanta, J.B. Bickerstaff sa Cleveland at Dwayne Casey sa Detroit.

About hataw tabloid

Check Also

Louiseville tatakbo sa Hopeful Stake Race sa Metro Turf

Louiseville tatakbo sa Hopeful Stake Race sa Metro Turf

IPAPAMALAS ang husay ng kabayong si Louiseville sa kanyang pagtakbo sa 2024 Philracom “Hopeful Stakes …

Jungkook

Kinuha ni Jungkook ang Classic Cup

SA KABILA ng matinding init, nagwagi ang Jungkook ni Tisha Sevilla (Low Profile out of …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Vietnamese GM Tran Tuan Minh nasorpresa sa Chebanenko Slav
ARCA NAHABLOT SOLONG LIDERATOSA VIETNAM CHESS
Tsansa para sa 2nd IM norm napalakas

MANILA – Ginulat ni Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca si top seed …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Arca nakatutok sa 2nd IM norm  sa Vietnam chess meet

MANILA – Nakatutok si Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca sa kanyang second …

Chito Rivera Eric Buhain COPA PAI

COPA “All For One” swim fest sa RSMC

MAHIGIT 500 manlalangoy ang inaasahang lalahok sa Congress of the Philippine Aquatics (COPA) National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *