Saturday , November 23 2024

Bong Go, nanawagan na magpakita ng pagkakaisa at compassion kontra CoVid-19 (Ika-85 Malasakit Center, inilunsad sa Mandaluyong City)

PINANGUNAHAN nina Senator at Senate Committee on Health chairperson Christopher “Bong” Go, kasama sina Mandaluyong City Mayor Carmelita A. Abalos, Representative Neptali Gonzales II at iba pang national at local government officials, ang paglulunsad ng ika-85 Malasakit Center na itinayo sa National Center for Mental Health (NCMH) sa Mandaluyong City noong Biyernes, 2 Oktubre.

Ang naturang Malasakit Center ang kauna-unahan sa lungsod at ika-16 naman sa Metro Manila.

Ito ay isang one-stop shop kung saan maaaring dumulog ang mga indigent Filipino patients at mag-apply ng financial at medical assistance mula sa Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ng senador sina Secretary Michael Lloyd Dino ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas, DOH Sec. Francisco Duque III, DSWD USec. Aimee Torrefranca-Neri, Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco B. Belgica, at sina Mayor Abalos at Cong. Gonzales II at iba pang mga opisyal dahil sa kanilang pagsuporta sa Malasakit Centers.

Hinikayat rin ng senador ang lahat ng mga Pinoy na isantabi muna ang politika at magtulungan habang nagkakaisa at nagpapakita ng pagdamay sa mahihirap at vulnerable sectors upang malabanan at malampasan ang kasalukuyang mga hamon ng buhay at upang matapos na ang CoVid-19 pandemic bilang nagkakaisang nasyon.

“Alam kong hirap kayo dahil sa pandemya. Kami rin dito sa gobyerno hirap rin kami pero pagtulungan na lang po natin ito. Sino ba naman ang magtutulungan kundi tayo lang po kapwa natin Filipino? Sabi nga ni Pangulo, lagi kaming nag-uusap tuwing gabi, sabi niya ‘Bong, hayaan mo na ‘yan sila basta gawin lang natin, ang importante malampasan natin ito’,” ayon kay Go, na ang tinutukoy ay ang mga kritiko ng administrasyon.

“Wala na kaming ibang hangarin kundi ang magserbisyo para malampasan natin itong pandemyang ito,” aniya pa.

Inalala rin naman ni Go ang kanyang mga karanasan habang nagtatrabaho sa ilalim ng pamumuno ng noo’y si Mayor Duterte na siyang naglantad aniya sa kanya sa nakai-stress at mahirap na proseso na pinagdaraanan ng mga Pinoy upang makahingi lamang ng tulong mula sa pamahalaan para sa kanilang medical bills.

Ang mga naturang kaganapan aniya ang nagtulak sa kanya upang bumuo ng konsepto ng isang one-stop shop na ipinangako niyang isusulong noong panahon ng kanyang senatorial campaign.

Ang Republic Act 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019, na iniakda at inisponsoran ni Go, ay nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Disyembre 2019. Ang naturang batas ang nagbasbas sa pagtatatag ng mga centers sa bawat DOH-run hospital sa buong bansa at sa Philippine General Hospital sa Maynila.

Ang iba pang public hospitals ay maaari rin magtayo ng kanilang sariling Malasakit Centers kung maaabot nila ang standard set of criteria at magarantiyahan ang availability ng pondo para sa operasyon ng kanilang center.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *