Friday , May 17 2024
shabu drug arrest

4 drug suspects timbog sa P.8-M shabu at baril

HULI ang apat na miyembro ng isang sindikato ng droga, na nakuhaan ng mahigit sa P.8 milyong halaga ng shabu at isang baril sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga na-arestong suspek na sina Reynaldo Mabbun, 47 anyos, Michelle Concep-cion, 42 anyos, kapwa residente sa San Diego St., Barangay Canumay West; Oliver Edoria, 38 anyos, ng P. Santiago St., Barangay Paso de Blas at Josephus Jadraque, 36 anyos, re-sidente sa New Prodon, Barangay Gen. T. De Leon, resulta ng dalawang ling-gong paniniktik operation na isinagawa ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan, Jr.

Ayon kay NPD Director P/Brig. Gen. Rolando Ylagan, ang operation laban sa mga suspek at mula sa intelligence report na ibinigay ng intelligence team ng NPD at Eastern District Intelligence Team ng Regional Intelligence Unit ng NCRPO hinggil sa illegal drug activities ng isang alyas Ronald, na kalaunan ay kinilala bilang si Reynaldo Mabbun.

Dakong 11:50 pm nang isagawa ng mga operatiba ng NPD-DDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col. Giovanni Hycenth Caliao I sa bahay ni Mabbun sa San Diego St., na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakuha ng mga operatiba ang aabot sa 30 gramo ng shabu mula sa mga suspek na tinatayang nasa P884,000,00 ang halaga, kal. 357 Magnum Smith & Wesson revolver na kargado ng limang bala, ilang drug paraphernalia, marked money na binubuo ng dalawang P1,000 bill at 10 P1,000 boodle money, dalawang  cellphone at P1,400 drug money.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

ni Almar Danguilan MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American …

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

BGen Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

BGen. Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

CAMP CAPINPIN — Malugod na tinanggap ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang bago nitong …

Alexis Castro Connor Costello

Ugnayan ng Bulacan sa mga estado ng Australia, pinaigting

ISINUSULONG ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at mga bumisitang Australian …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *