Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn Bernardo ‘di totoong buntis (Busy sa taping ng bagong teleserye)

ANG tanga mo na lang kapag nagpapaniwala ka pa sa ibinabalita ng mga blogger sa dilim (walang mukha at pawang audio lang) na walang ginawa kundi ang magbalita nang magbalita ng fabricated news laban sa ating mga sikat na celebrities. At iisa lang ang paborito nilang subject ‘buntis’ si ganitong artista.

Ang bagong biktima ng nasabing bloggers ay si Kathryn Bernardo na nagpa-ultrasound na raw ng magiging first baby nila ni Daniel Padilla. Well, for sure dahil peke nga ‘yung news ay hindi na ito ikina-shock ng mommy ni Daniel na si Karla Estrada at ina ni Kathryn na si Mommy Min (Luzviminda).

Saka paano nila nasabing buntis si Kath, e kasalukuyang nasa lock-in taping sila ng boyfriend na si Daniel para sa bago nilang teleserye sa Star Creative. Yes malapit nang matapos ang taping ng dalawa at kasunod nito ay gagawa naman sila ng pelikula sa Star Cinema. Huwag kasing i-patronize ang mga channel ng pekeng bloggers at mas mainam na manood sa mga credible na bloggers o kaya magbasa ng aming tabloid na HATAW, D’yario ng bayan No.1 sa Balita na pawang accurate ang mga showbiz balita.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …