Thursday , June 4 2026

23-anyos kalaboso sa sextortion

NADAKIP ng pinagsanib na operasyon ng Manila Police District, PRO-Calabarzon at RACU4A ang isang 23-anyos lalaki na inireklamo ng kasintahan dahil sa sextortion sa isinagawang entrapment operation kamakalawa ng hapon sa Quiapo, Maynila.

Sa ulat ni MPD Station 3 commander P/Lt. Col. John Guiagui, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9995, Article 268 (Anti-Photo and Video Voyeurism and Grave Coercion) ang suspek na si Boyet Rondina, tubong-Masbate City, laborer, pansamantalang nanunuluyan sa  High Infinity One, Oscariz St., Quiapo.

Ikinasa ang entrapment operation makaraang magreklamo ang kanyang ‘virtual girlfriend’ na si alyas Grizel, 36, residente sa Tibag, Calamba City.

Lumapit sa PRO-Calabarzon Regional Anti-Cyber Crime Unit (RACCU) ang biktima at inireklamo ang suspek dahil sa pananakot na ikakalat sa social media ang mga hubad na larawan at video kapag hindi nakipagkita at nakipagtalik ang biktima. (BRIAN BILASANO)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …