Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jao, isinasalba ng kanyang mga painting

SA kawalan ng kinikita, pagpipinta ang ginagawa ngayon ni Jao Mapa na ipino-post niya sa kanyang Instagram account na puwedeng makita ng mahihilig sa paintings.

Walang regular show si Jao at kailangan niyang kumayod para sa pamilya.

Aniya, “I do livestreams in Yippi, minsan nagpipinta or kumakanta. So far painting keeps me busy.”

May ipinost kamakailan ang aktor na nag-alala siya sa kanyang panganay na anak na si  Ben, 17, dahil nakitaan ng bukol at kailangang operahan.

“He went through an operation, had a biopsy turns out kulani lang,” sabi ni Jao.

Ipinost din nito ang mensahe sa kanya ng doktor na nag-opera sa anak, “reactive lymphadenitis ang nakuha na bukol. Benign mass hindi malignant. Observe lang if magrecur.”

Ang caption ni Jao, “Thank you everyone for your prayers, this is the message from our doctor friend doc. Louie. God is good. Love you God the Father for keeping our son Ben safe from harm.”

Samantala, nitong Agosto 29 ay nagdiwang ng kaarawan ang binatilyo ng aktor, “we’ve watched you grow and have made us the proudest parents in the entire planet, may our mighty Father continue to shower you w/ abundant blessings. Happy Birthday son we love you very much.”

Mapapanood si Jao sa Yippi Livestream na may titulong Jao’s Art Jam, Sunday, 5:00 p.m. @YIPPY ADD YIPPI ID @Dragon76.

Inamin din sa amin ng aktor na, “nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga painting nakararaos sa Covid na ito.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …