Pagdating sa kanyang mga apo ay all mine to give si Rosanna Roces na nakatapos na ng isang magandang proyekto sa Viva Films. At hindi lang sa dalawang apo sa daughter na si Grace Adriano na sina Gab at Maha close si Rosanna, kundi maging sa lalaking apo na si Leone na anak ng nakatampohang anak na si Onyok ay sobrang mahal rin ng actress.
Yes kahit hindi pa bumabalik sa normal ang lahat ay gumagawa ng paraan para madalaw sina Maha at Leone. Kung si Maha, ay paboritong magpabili sa kanya ng damit, ito namang si Leone, ay mahilig sa kalapati.
Kaya kahapon ay ibinili siya ng magandang Lola ng kalapati na may bonggang kulungan. Well sigurado hindi pa man nasasabi ni Onyok na mahal niya ang kanyang ina at gusto na niyang makipag-reconcile ay mukhang puwede talaga itong mangyari this year.
Lalo;t gusto raw ni Onyok, na ipagluto siya ni Osang na super paborito niyang caldereta na isa sa specialty ng kanyang mother na actress na after ng movie sa Viva ay hindi nawawalan ng offers.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma