Wednesday , November 27 2024

NAIA’s 4,000 non-organic, personnel & building attendants inayudahan ni Sen. Bong Go

ISA tayo sa mga natutuwa sa magandang mangyayari ngayong araw, Biyernes, 14 Agosto 2020, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

        Sa wakas po ay may isang Senator Christopher “Bong” Go na hindi lang nakapansin kundi umaksiyon bilang tugon sa matagal nang hinaing ng mga non-organic employees na nagtatrabaho sa NAIA.

        Simula po nang mag-lockdown (enhanced community quarantine) noong Marso 2020 hanggang mag-general community quarantine (GCQ) walang natanggap na ayuda mula sa mga opisyal ng pamahalaan ang nasabing mga trabahador.

        Sa kanilang sariling diskarte ay nakaraos sila noong nakaraang lockdown pero paano na ngayong may modified enhanced community quarantine (MECQ) na naman?!

        Ilang beses din nating naikolum ang kanilang kalagayan kaya naman natutuwa tayo kung kahit paano ay may aksiyon na ang isang Senador na gaya ni Bong Go.

        Kahapon 13 Agosto, mayroon nang ilan na nakatanggap ng tig-P3,000, at marami pang iba na tatanggap ngayong araw ng ayuda mula kay Senator Bong G., sa pakikipag-ugnayan ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD).

        Bukod sa P3000 cash, mayroon pang relief goods at nagpa-raffle ng limang bisikleta nitong Miyerkoles, 12 Agosto 2020 sa NAIA terminal 3.

        Kahapon, Huwebes, 14 Agosto, ang DSWD at mga staff ni Senator Bong Go ay nagpunta sa NAIA terminal 1 upang ipamahagi ang tig-P3000 sa lahat ng non-organic personnel and building attendants, nagpa-raffle at namigay ng relief goods.

        At ngayong araw ng Biyernes, mismong si Senator Bong Go kasama ang DSWD ang mamamahagi ng relief goods, cash assistance, at magpapa-raffle pa.

        Nakausap mismo ni SBG sa video chat ang mga empleyado at ang sabi niya: “Nararamdaman namin ang hirap na nararanasan ng mga ordinaryong empleado lalo na ngayong nasa pandemic tayo dahil sa CoVid-19.”

Tiniyak din ni SBG na kapag available na ang bakuna ay uunahin ang mahihirap nating mga kababayan.

Ayon sa Media Affairs Division ng Manila International Airport (MIAA), ang mga non-organic personnel na hindi pa nakatatanggap mula noong Miyerkoles, ay magpakita lamang ng valid na government ID o monthly o daily pass ay makukuha na ang nakalaan para sa kanila.

Mabuhay ka Senator Bong Go!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *