SA kanyang latest vlog, ipinasilip ni Barbie Forteza ang naging work from home setup niya nang maging guest anchor sa Chika Minute.
Tinulungan siya ng boyfriend na si Jak Roberto para i-setup ang box equipment na ipinadala ng 24 Oras. Si Jak ang nag-ayos ng settings ng camera at ng ilaw para kay Barbie.
Bago nagsimula ang newscast, nag-makeup muna si Barbie, “In fairness, ang bilis kong nakapag-makeup. Tama rin ‘yung diskarte ko na rito ko sa i-set-up ang pagme-makeup. Para nga naman tama ‘yung make-up ko kasi minsan iba ‘yung rehistro ng make-up sa camera ng phone, iba rito sa camera rito, iba sa make-up table ko sa taas. Mas okay na sigurado tayo.”
Samantala, habang hindi pa nagre-resume ang taping ng pinagbibidahang primetime series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday, napapanood gabi-gabi sina Barbie at Jak sa rerun ng Meant To Be sa GMA Telebabad.
Rated R
ni Rommel Gonzales