Monday , August 4 2025
green light Road traffic

PUVs ‘di na sakop ng curfew hours (Mula 22 Hunyo 2020)

HINDI na sakop ng ipinatutupad na curfew ng iba’t ibang lokal na pamahalaan simula ngayon, 22 Hunyo, ang mga pampasaherong sasakyan o public utility vehicles (PUVs) batay sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Manage­ment of Emerging Infectious Diseases Resolution No. 47.

Batay sa IATF Resolution No. 47, mga tambay o “non-workers na lamang ang sakop ng curfew.

“(Local government units) are enjoined to enact the necessary ordinances to enforce curfew only for non-workers in jurisdiction placed under (Modified Enhanced Community Quarantine), GCQ, and Modified GCQ to penalize, in a fair and humane manner, violations of the restrictions on the movement of people as provided under these Omnibus Guidelines,” sabi sa resolution.

Hinimok ng IATF ang mga awtoridad na ipatu­pad ang mga patakaran kaugnay sa curfew ng patas, at maging maka­tao sa ipapataw na parusa sa mga luma­labag.

Matatandaan mula nang isailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila ay pina­hihintulutan lamang ang pagbibiyahe ng mga pampublikong bus at tricycle mula 8:00 am hanggang 8:00 pm.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Innervoices

Gig ng Innervoices sa Aromata matagumpay

MATABILni John Fontanilla KATULAD ng iba pang gig ng Innervoices sa iba’t ibang bar na tinugtugan ng …

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia proud sa pagiging Assistant Majority Floor Leader ni Arjo 

SUPER proud si Sylvia Sanchez sa pagkakapili bilang Assistant Majority Leader ng House of Representatives ng kanyang …

Sara Duterte Supreme Court

Sa impeachment trial vs VP Sara
DESISYON NG SC PUWEDE BAGUHIN

HATAW News Team MAITUTUWID pa ng Korte Suprema ang kanilang sarili at maaari pang baliktarin …

Arrest Shabu

Gunrunner, durugistang tulak nasakote

ARESTADO ang isang lalaking isinasangkot sa ilegal na bentahan ng mga hindi lisensiyadong baril sa …

House Hotshots Javi Benitez Brian Poe Llamanzares Ryan Recto

House Hotshots, nagsusulong ng makasaysayang panukalang batas para sa Climate Resilience

ISANG grupo ng mga batang mambabatas na kilala bilang House Hotshots ang nagsusulong ng makabuluhang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *