Thursday , December 26 2024

Duque sa kamay ng Ombudsman, ayos lang — Roque

IGINAGALANG ng Palasyo ang desisyon ng Office of the Ombudsman na imbestigahan si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at iba pang opisyal ng kagawaran bunsod ng umano’y mga iregularidad kaugnay sa paglaban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isang independent constitutional body ang Ombudsman kaya’t hahayaan ng Palasyong umusad ang proseso at hinimok si Duque at buong DOH na makipagtulungan sa imbestigasyon at irespeto ang mga utos ng Ombudsman.

Sinabi ni Ombudsman Samuel Martires, nagbuo siya ng dalawang investigating team upang busisiin ang mga isyu hinggil sa mga sumusunod:

  • Atrasadong pagbili ng [Personal] Protective Equipment at iba pang medical gears para sa healthcare workers;
  • Mga pasyang sablay at iregularidad na nagbunsod ng kamatayan sa healthcare workers at pagtaas ng bilang ng mga namatay at naimpeksiyon sa hanay ng medical frontliners;
  • Kawalan ng aksiyon para sa mabilis na proseso at paglabas ng pangakong kompensasyon sa healthcare workers na labis na naapektohan, nagkasakit at mga namatay dahil sa COVID-19;
  • Nakalilito at kulelat na pag-uulat ng mga namatay at nakompirmang nahawa ng COVID-19.

Nagsimula aniya ang pagsisiyasat ng Ombudsman Field Investigation Office bago magsimula ang implementasyon ng lockdown noong 15 Marso ngunit pinagpasa-pasahan sila ng mga opisyal at kawani ng DOH.

Nauna rito, napaulat ang umano’y overpriced COVID-19 medical equipment na binili ng DOH at pagkaantala ng halos tatlong buwan sa pagbibigay ng kompensasyon sa healthcare workers na namatay at nagpositibo sa COVID-19, alinsunod sa Bayanihan to Heal as One Act na noon pang Marso ipinasa ng Kongreso. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *