Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

KWF Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko ipinagpaliban ngayong 2020 (Dahil sa COVID-19)

DAHIL sa patuloy na banta ng COVID-19, ipinagpaliban ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pagdaraos ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko para sa taóng 2020.

Idaraos ang parangal sa 2021 at magbibigay ng kaukulang panahon upang makapaghanda ang KWF sang-ayon sa mga wastong hakbang pangkalusugan.

Ang Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko ay isang prestihiyosong parangal para sa mga ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan na nagpamalas ng mahusay na paggamit ng wikang Filipino sa kanilang paglilingkod.

Pagtalima ito sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na humihimok sa lahat ng mga kagarawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentalidad ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.

Nagsimula noong 2016, ilan sa mga ilang ulit nang pinarangalan ng Selyo ng Kahusayan ang Korporasyong Pangkoreo ng Pilipinas (PHLPOST), Lungsod Mandaluyong, Lungsod Maynila, at Lungsod Taguig.

Para sa karagdagang detalye, maaaring magpadala ng email sa [email protected]. Maaari rin tumawag kay Bb. Pinky Jane Tenmatay ng Sangay ng Literatura at Araling Kultural sa mga numerong (02)8252-1953/09152864011 o sa email na [email protected].

https://www.facebook.com/komfilgov/photos/a.926809631048246/998574693871739/?type=3&theater

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

The Department of Science and Technology – Central Luzon, under the leadership of its Regional …

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …