Pambihira naman ang isang Ms. Attorney Human Rights na pumuna sa billboard ads ni Mayor Isko.
Supposedly raw ay hindi dapat gawin ni Mayor Isko ‘yan dahil siya ay public servant.
E sabi nga ni Mayor Isko, ginawa niya iyon para ang ibabayad sa kanyang pagmomodelo ay maitulong niya sa mga kababayan natin sa Batangas na sinalanta ng pagsabog ng bulkang Taal.
Ganyan din ang ginawa niya nang magdonasyon siya sa UP-PGH. Mula rin sa kanyang kinita sa pagmomodelo ang kanyang ipinagkaloon doon.
Sabi ni Mayor Isko, sa ganoong paraan man lang daw ay makapag-ambag siya sa mga kababayan nating nangangailangan.
Nagtataka naman tayo kay Ms. Atty. Human Rights, bakit si Mayor Isko lang ang nakita niya?
Bakit hindi niya napansin si Senator Manny Pacquiao, si Mayor Sara Duterte, at ang iba pang politiko na nag-eendoso ng mga produkto para sa TVC?!
Hindi fair si Ms. Atty. Human Rights.
Anyway, mabuti na lang at hindi nila kayang papanghinain ang loob ni Yorme.
Sulong Yorme!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap