Thursday , June 4 2026

Bandalismo sa underpass sa Maynila kinondena

MARIING kinondena ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang bandalismo sa ilang underpass sa Maynila na naunang nilinis at pininturahan ng mga tauhan ng city hall.

Ito’y matapos mag-viral sa social media ang larawan ng bandalismo na sinasabing kagagawan ng mga miyembro ng grupong Anakbayan.

Ayon sa Manila Tourism & Cultural Affairs Bureau (MTCAB), nakalulungkot na sa ganitong paraan ipina­rarating ng mga militan­teng grupo ang kanilang hinaing.

“Ang lahat ng ito ay pinaghirapan na isaayos at pagandahin sa pagtutulungan ng bawat indibiduwal na maibalik ang ganda at sigla ng Maynila,” ayon sa MTCAB.

“Hindi bandalismo ang sagot sa pagbabago. Disiplina at pag-unawa ang ating kailangan tungo sa mas maunlad na Maynila.”

Agad itong nilinis at muling pininturahan ng Manila Department of Engineering and Public Works.

Kinompirma ni Al Omaga, media liaison officer ng Anakbayan, na ang kanilang art group na Panday Sining ang may gawa ng pagpi­pintura sa ilang lugar sa Maynila.

Pero ayon kay Oma­ga, ang bandalismo ay protesta na idinaan sa pamamagitan ng sining.

Aniya, maglalabas ng pormal na pahayag ang Anakbayan ukol sa bandalismo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …