Thursday , June 4 2026

Pulis inatake sa puso habang nasa training idineklarang patay

HINDI na umabot nang buhay nang isugod sa pagamutan ang isang aktibong pulis habang nag-eehersisyo sa loob ng kampo sa Taguig City, nitong Miyerkoles.

Pinaniniwalaang inatake sa puso ang biktimang si P/SSgt. Victorino Oreiro, Jr., 39, naka-talaga sa Police Community Precinct (PCP-3) ng Taguig City Police Station. Sa ulat ng Southern Police District (SPD), dakong 6:00 am, nangyari ang insidente sa National Capital Region Police Office/NCRTS Camp Bagong Diwa, sa harapan ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB), Bicutan, Taguig City. Si Oreiro ay sumasailalim sa Public Safety Junior Leadership Course (PSJLC) schooling sa NCRTS ng naturang kampo.

Biglang bumagsak ang biktima sa lupa sa gitna ng kanilang road run (physical conditioning) sa RMFB Road, dakong 5:50 am. Isinugod si Oreiro ni P/Lt. Col. Rene Zunega, Medical Doctor ng Regional Health Service, sa ospital pero nalagutan ng hininga dakong 6:35 am. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …