Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Babaeng sex worker inatado ng saksak sa loob ng motel

DUGUAN at tadtad ng saksak ang isang babae nang matagpuan sa inupahang motel, Linggo ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Tinangkang habulin ang suspek na nagtata­takbo palabas ng Safety Motel sa kanto ng Morio­nes at Mabuhay St., ngu­nit hindi naabutan ng roomboy.

Inilarawan  ni P/Sgt. Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District – Homicide Section, ang biktima na kinilala sa alyas na Aissa, edad 25-30, at katamtaman ang pangangatawan.

Sa ulat, 5:30 am nang madiskubreng walang malay ang duguang biktima.

Bago nadiskubre ang biktima, nakita umano ang isang lalaki na tuma­takbo papatakas galing sa isang kuwarto ng motel.

Nabatid na hinabol ni Daniel Reantaso ang  tumatakas na suspek, pero hindi inabutan, kaya agad nitong pinuntahan ang babae at nakitang naliligo sa sariling dugo ang babae dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa impormasyon ng pulisya, kilala umanong bayarang babae ang biktima sa lugar.

Inaalam ng pulisya kung hindi pagkaka­unawaan sa presyo ng ‘panandaliang kaliga­yahan’ ang pinag-awa­yan ng biktima at ng suspek.

Iniimbestigahan din ng pulisya ang ibang motibo at inaalam ang pagkakilanlan ng suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …