Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Butt Puwet Hand hipo

Tsansingerong manager ‘himas-rehas’ ngayon

DERETSO sa kulungan ang isang assistant man­ager ng isang con­venience store maka­rang ireklamo sa mada­las na tsansing sa 18-anyos service clerk sa Valenzuela City.

Kinilala ang suspek na si Alvin Adan Ma­cas­pi, 26 anyos, as­sistant manager ng isang sangay ng 7/11 convenience store sa kanto ng Pio Valenzuela St., MacArthur High­way na nahaharap sa ilang bilang ng “Acts of Lasciviousness” at na­pa­karaming bilang ng “Unjust Vexation.”

Sa pahayag ng bikti­mang itinago sa panga­lang Michelle, nag­simula ang pagtsansing sa kanya ng kanilang assistant manager noon pang buwan ng Abril at bukod dito’y madalas din siyang pagsalitaan ng kabastusan na labis niyang ikinaiirita.

Dakong 9:00 am, habang abala siya sa pagtatrabaho, dala­wang ulit umanong tina­pik ng suspek ang kanyang puwet ngunit pinilit niyang maging mahinahon.

Bandang 11:00 am, nang hindi sinasadyang maupuan niya ang ilang gamit ng suspek kaya’t muling tinapik at pinisil nang dalawang ulit ang kanyang pu­wet.

Pagsapit ng 4:00 pm, siniko umano ng suspek ang kanyang dibdib kaya’t pagka­tapos ng kanyang tra­baho, dakong  7:00 pm ay ipinasiya na niyang magreklamo sa pulisya na nagresulta sa pagka­kadakip kay Macaspi.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …