GUSTO kong maiyak sa drama ng buhay ng kandidatong si Jeremy Marquez — tumatakbong vice mayor sa Parañaque City, base sa kanyang post sa social media.
Public knowledge naman ang kanilang buhay. At wala namang humusga sa kanila sa ganoong kalagayan.
Sa totoo lang, tuwing may bagong girlfriend noon ang erpat niya, ang simpatiya ng tao ay laging nasa kanila.
Kung pagiging public servant ang pag-uusapan, pinagbigyan naman siya ng mga taga-Parañaque. Hindi lang natin alam kung mauulit ngayon ang pagtitiwalang iyon.
Gusto rin nating ipaabot kay Jeremy na hindi ko maipagkakatiwala ang boto ko sa kanya dahil mayroon siyang inagrabyadong tao na malapit sa inyong lingkod.
Kung totoong hindi niya malilimutan ang kanilang buhay noong bata pa sila, sana’y hindi niya ito inulit.
Malungkot ang lumaking walang tatay, pero mas malungkot ‘yung alam mong nandiyan lang ang tatay mo pero hindi ka naman sinusuportahan.
Ngayon, Jeremy, umaasa ako na ikaw ay magiging isang tunay na lalaki para pangatawanan o panindigan ang iyong mga obligasyon sa buhay.
Kapag nagawa mo ‘yan, hindi lang isang boto ang makukuha mo mula sa akin.
Good luck!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap