NAKIKISIMPATIYA ang inyong lingkod sa nangyari sa ‘biopic’ ni dating PNP chief, Gen. Richard “Bato” dela Rosa na hindi lang nilangaw kundi talagang hindi pinansin at mukhang ngayon lang mapag-uusapan ng publiko.
Parang tokhang daw, kung kailan ‘dedo’ na saka napag-uusapan. In short, parang na-‘Batokhang’ ang movie ni Ex-Gen.
Kumbaga kung kailan sumemplang na, saka pa lang pag-uusapan. Mukhang nasira rin ang magic ni Binoe sa pelikulang ito ni Gen. Bato.
Tsk tsk tsk…
E kasi naman, sino ba ang nag-finance ng pelikulang ‘yan? Sana nilubos-lubos na nila. Hindi man lang nila naisip na magpa-block screening o kaya ay namigay sila ng passes para naman pumatok ang biopic.
Kaya ang pinag-uusapan talaga ngayon, ‘flopsinang’ tunay ang movie tungkol sa buhay ni Bato.
Mas maigi pa siguro kung ginawa na lang ‘comedy’ ni Ex-Gen. Bato ang pelikula tungkol sa buhay niya at kinuha niyang artista ang kahawig niyang si Jelson Bay, e baka sakaling napag-usapan pa.
E sa totoo lang po, Ex-Gen. Bato, kapag naririnig ng tao ang pangalan ninyo, ang bumabalik sa alaala nila ang walang katapusang ‘tokhangan’ na lumalakas na naman ngayon.
Dahil diyan, nakikisimpatiya tayo kay Ex-Gen. Bato. Kaya naman, bukod kay Sir Francis Tolentino, kasama ka nang makakukuha ng isang boto mula sa inyong lingkod.
Hinatyin na lang natin kung ano ang ‘maitutulong’ ng nilangaw na ‘biopic’ sa kandidatura ni Ex. Gen.
Abangan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap